Writer ng GMA ilusyunada, tsipangga raw, sey ng bashers | Bandera

Writer ng GMA ilusyunada, tsipangga raw, sey ng bashers

Alex Brosas |March 16,2018
facebook
share this

Writer ng GMA ilusyunada, tsipangga raw, sey ng bashers

Alex Brosas - March 16, 2018 - 12:55 AM

SUZETTE DOCTOLERO

GMA 7 writer Suzette Something posted a photo on her Facebook account which read: “Talo ng Puso ang Lakas at Ganda, Kambal Karibal 10.6, Bagani 10.3.”

Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Dito sa GMA7, seryoso kami na bigyan kayo ng panoorin na orig at di gaya gaya. Salamat mga Kapuso!” Ayun, na-bash ang writer.

“Orig at di gaya-gaya? Coming from the creator of nanggaya sa Arrow? Ok po.”

“Comes from a pathetic writer. LOL! Big laugh out loud. Hahahaha. Di niya ata alam bago pa nag Bagani 3 programa niya ang nailibing na ng La Luna Sangre!”

“Hahaha. Mga artista sa GMA kailangan nila mag work shop ng 10 years or more.”

“Napaka unprofessional nyang Doctolerong yan, sobrang bitter. 3 lang naman ang nilamang akala mo number one na agad.”

“Papansin talaga yang Suzette na yan. Feeling magaling waley naman. Tanggalin na sana yan ng GMA. MALAS!”

“Alam nyo ung nagre react jan. syempre ang boboba. Porket lumamang lng ng kunti dna mapakali.”

And when she posted a cake photo on Twitter with this caption: “Pagbigyan nyo na kami. Masaya lang na kahit mas maliit ang production, kahit mas mura, kahit mas di kilala ang mga batang artista, yun, nangagat, tapos ngayon lumaban. Di namin akalain. Di namin inaasahan.

“Proud lang kasi malaki ang binangga namin. Puso! Salamat!” ay mas lalo siyang binarag sa comment section ng isang popular website.

“.03 lang ang lamang sa AGB at isang beses lang naman nakalamang. OA ni Manang. Try niyo kaya ilabas everyday ang ratings niyo. Di yung bigla nalang lilitaw kapag nakalamang kuno.”

“Flop flop. Hindi na makakabawi. HAHAHAAHAHA.”

“Duguan tuloy kayo. Minsan kung babangga ka, galingan mo naman. Hindi yung puchu-puchu ang bala.”

“Delusional and cheap.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan ang hanash nila against Suzette. Any comment?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending