Maymay, Edward nag-iyakan nang mabasa ang sulat ng mga kapatid | Bandera

Maymay, Edward nag-iyakan nang mabasa ang sulat ng mga kapatid

Ervin Santiago |March 15,2018
facebook
share this

Maymay, Edward nag-iyakan nang mabasa ang sulat ng mga kapatid

Ervin Santiago - March 15, 2018 - 12:30 AM

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

IYAK nang iyak ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber nang matanggap at mabasa ang sulat mula sa kanila-kanilang kapatid.

Naging emosyonal ang dalawang Kapamilya stars nang mag-guest sila kamakailan sa Magandang Buhay para sa pagdiriwang ng kanilang first anniversary sa showbiz.

Matapos basahin ang letter ng kanyang kapatid, nagbigay ng mensahe si Maymay, “Kuya, alam mo naman na mahal kita. Since bata pa lang, kasama na kita sa hirap at sa lahat ng pagsubok. Nandoon pa si Papa Joe, hanggang sa nawala siya. Ang suwerte ko na kuya kita, kasi lahat gagawin mo para sa akin.

“Mahal na mahal kita at saka ngayon na nandito na ako hindi mawawala ang promise ko sa iyo na papaaralin kita,” sey pa ni Maymay.

Mas lalo pang naluha ang dalaga nang makita ang regalo ng kanyang kuya, ito’y litrato ng yumao nilang lolo na talaga namang mahal na mahal ni Maymay.

Hindi rin napigilan ni Edward ang mapaiyak nang mabasa naman ang sulat ng kanyang sister na si Laura. Ito naman ang naging message niya sa kapatid matapos basahin ang slat nito, “I love you so much and I will see you very, very soon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending