Pia: Ultimate dream ko parin ang maging bond girl!

By Ervin Santiago March 14,2018
share this

Pia: Ultimate dream ko parin ang maging bond girl!

By Ervin Santiago March 14,2018
share this


KAPIT na kapit pa rin si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang ultimate dream na maging leading lady sa isang “James Bond” movie.

Sa nakaraang presscon ng latest offering ng Star Cinema, ang “My Perfect You” kung saan makakatambal niya si Gerald Anderson, sinabi ni Pia na umaaas siya na one day ay magiging isa rin siyang “Bond Girl”.

“Nakabantay nga ako doon kasi alam kong may lalabas na bago. They are really trying to experiment already with the cast so it means that it’s gonna be really different this time. Even sina Esther (Swan), Miss Universe, IMG, they all know that I want something like that. If not that, something like that,” kuwento ng beauty queen-actress.

Pero aniya, alam niyang baka matagalan pa bago ito matupad, “Busy kasi ako dito. Dapat nandoon ako so I get stuff there. For example, we’ll start first as leading lady sa music videos and then we’ll slowly work our way up. But it’s still there. It’s still at the back of my mind.”

Tungkol naman sa nakuha niyang scholarship para sa New York Film Academy, “Gagamitin ko pero hindi muna ngayon. Kailangan kong bumalik doon. Pero hindi muna kasi pumirma ako ng kontrata dito.

“Usually ngayon, puro Miss Universe events ang pinupuntahan ko kapag nasa US or nasa ibang bansa. Tina-try namin na iba naman, na more celebrity, more artista. But the thing is, it will take a while before people forget that you’re Miss Universe because you kinda have to repackage yourself in order to be a new celebrity,” paliwanag pa ni Pia sa presscon.

Hirit pa ng dalaga, “Especially with how the crowning went also, medyo mahirap kalimutan na I was that girl. To repackage myself, they have to forget that I was a Miss Universe. Weird, di ba? Dito, it works in my favor, doon hindi. We are still trying to get that balance. It will take time, but hopefully we’ll get there.”

q q q

Ang pelikula nina Pia at Gerald na “My Perfect You” ang isa sa limang huling pelikulang gagawin ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema. Balak kasing magpahinga muna ni direk Cathy sa pagtatrabaho.

Sa ginanap na presscon ng pelikula kamakailan, sinabi ni direk na naging totoo siya kay Pia simula pa noong magkita sila sa story conference ng kanilang proyekto.

“Si Pia alam naman niya na nung unang kita ko sa kanya sabi ko, ‘Ay, ang taba mo.’ Tapos sabi ko pa, ‘Hindi masyado maganda si Pia noh?’ Honest lang naman ako. Pia Romero ko pa siya noon kilala tapos maliit na maliit na panahon ko lang siya nakikita sa TV,” simula ni direk Cathy.

“Yung character ni Pia naku tinanggal ko yung Miss Universe. Sabi ko I will never see Miss Universe on my set and in fairness to Pia siyempre Miss Universe yan, pero ni entourage ni Pia wala kang mararamdamang ganu’n. In fact ako yung nagagalit, ‘Alagaan niyo kaya itong Ms. Universe!’ kasi sugat, sugat na siya, sa mga eksena hindi nagrereklamo,” kuwento pa ng box-office director.

Pero na-impress daw ang direktor nang matapos na nila ang movie, “I will not call it kakaiba because wala akong pinanggagalingang comparison.

“Ang gusto ko lang malaman, ‘Marunong ba itong umarte or hindi?’ Sa akin tama na yung kaya. Ay hindi niya kayang umarte, magaling siya. There is one scene na sabi ko, itong eksenang ito hinihingi ko lang ‘to sa magagaling na artista.

“Meron siyang parang aria, aria du’n. Sabi ko sa producers and writers ko kakayanin niya. And true enough, with flying colors. Tapos to top all that mabuti siyang tao,” dagdag pa ni direk Cathy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending