Gerald hindi pa sure kung si Bea na ang perfect you: Mahirap magsabi! | Bandera

Gerald hindi pa sure kung si Bea na ang perfect you: Mahirap magsabi!

Julie Bonifacio |March 14,2018
facebook
share this

Gerald hindi pa sure kung si Bea na ang perfect you: Mahirap magsabi!

Julie Bonifacio - March 14, 2018 - 12:01 AM


MAGSE-CELEBRATE si Gerald Anderson ng kanyang birthday sa Greece next week. He just turned 29 last March 7.

Super busy kasi si Gerald sa promo ng first movie nila ni Pia Wurtzbach na “My Perfect You.” May premiere night din ang pelikuka nila under direk Cathy Garcia-Molina bago ipalabas sa mga sinehan on March 14.

Pero sinabi na ni Pia na hindi niya isasama ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger sa premiere night ng “My Perfect You.”

“Sa akin po hindi,” diretsang sambit ni Pia, “Busy siya. Pero manonood din siya sa ibang araw.”

Hindi rin daw isasama ni Gerald ang girlfriend niyang si Bea Alonzo sa naturang event. Kaya right after ng first day of showing ng “My Perfect You” ay lilipad na si Gerald pa-Greece. For sure, kasama ni Gerald sa napaka-romantic na bansa si Bea.

Tinanong din si Gerald kung sa tingin ba niya ay si Bea na ang “perfect you” for him, “Ano pa ‘yan, hindi pa natin alam. Kumbaga, mahirap magsabi, medyo maaga pa,” sagot ni Gerald.

Inamin nina Pia at Gerald na malaking tulong ang location ng shooting nila ng “My Perfect You” kaya naging madali silang nagkagaanan ng loob habang ginagawa nila ang movie.

Naging topic daw sa usapan nila ni Pia ang tungkol sa training at pahahanda na ginawa niya sa pagsali sa Miss Universe.

“Hindi pala biro ang pinagdadaanan nila,” sambit ni Gerald. “Tapos ikinuwento niya sa akin ‘yung journey niya sa showbusiness at saka kung ano pa ang gusto niyang gawin sa buhay,” ani Gerald.

Tinanong namin ang aktor kung napag-usapan din ba nila si Bea na kasabay ni Pia na ni-launch noon sa Star Magic Circle, “Alam na niya,” sagot ni Pia.

When asked kung agree ba siya sa mga nagsasabi na magkamukha sina Pia at Bea, hindi umayon si Gerald, magkaiba raw ang dalawa at pareho silang unique.

And since may pagka-throwback na ang topic namin kina Pia at Gerald, ‘di napigilan ni Miss Universe ang maiyak when asked about her feeling na bidang-bidang na siya sa movie ngayon pagkatapos ng ilang taon na inilagi niya sa showbiz.

“Naiyak ako kasi parang surreal pa rin sa akin lahat ‘to. Ang bilis ng mga pangyayari. Nag-storycon lang kami maybe just a little a month ago tapos bilang eto na. Kapag tinitingnan ko ‘yung trailer iniisip ko parang, ‘Paano ko nagawa ‘yun?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And kapag, unti-unti nagsi-sink sa akin na meron akong, first ko rin naman ang ‘Revengers’ pero mas ramdam ko ‘yung ngayon. Kasi ako lang ‘to, e, at si Gerald siyempre,” esplika ni Pia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending