Julia Montes tuluy-tuloy ang paghihiganti

March 14,2018
share this

Julia Montes tuluy-tuloy ang paghihiganti

March 14,2018
share this


SA mga sumusubaybay naman sa action serye ng ABS-CBN na Asintado, magkakaroon ng panibagong rason na maghiganti si Ana (Julia Montes) matapos patayin si Celeste (Cherry Pie Picache) ni Miranda (Lorna Tolentino), ang kanang kamay ng mga Del Mundo na siya ring pumatay sa kanyang mga magulang.

Nabigo si Celeste na makahanap ng ebidensyang magpapatunay sa katiwalian ng mga Del Mundo matapos siyang mahuli ni Miranda nang pasukin nito ang mansyon ng kanyang kalaban. Sa kanilang maaksyong paghaharap, hindi inaasahang mataamaan ng bala si Celeste at mapuruhan ito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa oras ng pag-aagaw buhay nito, natagpuan siya ng grupo ni Ana ngunit huli na ang lahat dahil hindi nila ito nailigtas. Bigo mang makahanap ng patunay sa kasamaan ng mga Del Mundo, nakuha naman ni Celeste ang isang librong pagmamay-ari ng ama ni Ana, na lalong magpapaigting sa galit niya sa mga Del Mundo at magtutulak sa kanyang bigyang hustisya ang lahay ng pinatay nilang mga inosente.

Ano nga kaya ang gagawing hakbang ni Ana ngayong wala na si Celeste?

Huwag palampasin ang serye na kasado ang pag-ibig at paghihiganti, ang Asintado sa Kapamilya Gold tuwing hapon sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending