Operasyon ng LRT-2 nagkaaberya

March 13,2018
share this

Operasyon ng LRT-2 nagkaaberya

March 13,2018
share this

NAGKAABERYA ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) matapos namang magkaroon ng technical glitch ang isa sa mga tren nito ngayong hapon.

Inihayag ng pamunuan ng LRT sa opisyal na Twitter account nito na ipinatupad ang provisional service mula Recto station hanggang Anonas stations (at pabalik) dahil sa pangyayari.
Nangyari ang aberya sa Katipunan station ganap na ala-1:45 ng hapon, ayon sa pamunuan ng LRT-2.
Hindi naman sinabi kung ilang pasahero ang apektado ng aberya.
Bumalik ang normal na operasyon ng LRT-2 ganap na alas-2 ng hapon, dagdag pa ng LRT-2.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending