Marian sumaklolo sa grupo ni Lolit Solis sa South Korea; travel agency inireklamo | Bandera

Marian sumaklolo sa grupo ni Lolit Solis sa South Korea; travel agency inireklamo

Jun Nardo |February 28,2018
facebook
share this

Marian sumaklolo sa grupo ni Lolit Solis sa South Korea; travel agency inireklamo

Jun Nardo - February 28, 2018 - 12:30 AM

SINAKLOLOHAN ni Marian Rivera si Manay Lolit Solis at mga kasamang writers sa nakaraang biyahe nila sa South Korea dahil sa ginawa ng isang Imee Oro, may-ari ng travel agency.

Kinomisyon ng sponsor nina Manay Lolit si Oro para sa booking ng biyahe nila last Friday.

Ayon sa pahayag ni Manay Lolit sa radio program nina Arnold Clavio at Ali Sotto, nagsimula ang kalbaryo nila dito pa lang sa airport natin. Pinalitan daw kasi ang airlines nila pero nang lumapit sila sa counter ng sasakyang plane, saka lang niya nalaman na wala silang booking, huh!

Nakalipad naman sila at ang una niyang plano ay pumunta sa embassy natin sa South Korea pero hindi na niya nagawa ‘yon. Nasolusyunan na kasi nila ang problemang dumating bago pa sila makarating sa SK.

Post ni Manay sa Instagram niya, “Sayang di ko nakita kung paano mag-work ang embassy natin sa Korea kundi pati sa Embassy, sikat na name ni Imee Oro. Hahaha!”

Payo nga niya sa kasamang press, “Cool lang, lahat naman ay may katapat, what you sow, you reap, kaya darating din ang nakatakda para kay Imee Oro, wait lang tayo.”

Sa puntong ito, isa nga si Yan sa balitang sumagot sa ilang gastusin nila sa SK. Eh, knowing Manay, she will not take this sitting down, huh! Bukas din ang pahinang ito sa explanation ng may-ari ng travel agency.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending