Kalat na: Ellen malapit nang manganak, 'Abril' daw ang ipapangalan sa bata | Bandera

Kalat na: Ellen malapit nang manganak, ‘Abril’ daw ang ipapangalan sa bata

Julie Bonifacio |February 26,2018
facebook
share this

Kalat na: Ellen malapit nang manganak, ‘Abril’ daw ang ipapangalan sa bata

Julie Bonifacio - February 26, 2018 - 12:05 AM


KITANG-KITA na ang paglobo ng tiyan ni Ellen Adarna based on the photos and video she posted sa kanyang social media accounts habang nagbabakasyon sa Japan with John Lloyd Cruz.

May video rin na kumalat sa internet na tila nag-iisip na sina Lloydie at Ellen ng name para sa ipinagbubuntis ng sexy star. Kasunod nito may malakas na boses na nagbanggit ng salitang “Abril.”

Tingin ng iba baka “Abril” or “April” ang ibigay na pangalan nina John Lloyd at Ellen sa baby nila. Pwede ring isipin na baka sa buwan ng Abril magsisilang ng kanyang anak si Ellen.

If it’s true, anim na buwan na ang batang ipinagbubuntis ni Ellen. This maybe the reason kaya halata na ang malaking tiyan niya. Ibig sabihin din kaya nito, buwan pa lang ng Agosto ay buntis na si Ellen?

If we were going to trace back the whirlwind romance of John Lloyd and Ellen, buntis na siya nu’ng lumutang ang mga larawan at video nila na kinunan sa Bantayan Island, Sta. Fe, Cebu last September.

Sumunod na buwan ay nabalitaan na nagliwaliw ang dalawa sa Europe pagkatapos um-attend sa wedding ng kaibigang stylist ni John Lloyd na si Rex Atienza sa Paris.

Habang nasa Europe ay nag-trending sa social media ang balitang buntis na si Ellen. Pero itinanggi ‘to ng sexy star through a message sa kanyang Facebook account dated Oct. 12. Posible raw na hindi alam ni Ellen na buntis na siya that time.

Buwan naman ng November nu’ng makumpirmang buntis si Ellen. That time, nasa US si John Lloyd para um-attend ng kasal ng pinsan niya at para bisitahin na rin ang kanyang mga kapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending