Maine, Alden naghahanda na para sa madramang Lenten Special ng 'Bulaga' | Bandera

Maine, Alden naghahanda na para sa madramang Lenten Special ng ‘Bulaga’

Jun Nardo |February 20,2018
facebook
share this

Maine, Alden naghahanda na para sa madramang Lenten Special ng ‘Bulaga’

Jun Nardo - February 20, 2018 - 12:01 AM


BINALIKAN ni Maine Mendoza ang pagda-dubsmash na nagbigay sa kanya ng titulong Dubsmash Queen.

Sa kanyang Instagram Story, muli niyang ipinost ang isa sa una niyang dubsmash video. Ito yung panggagaya niya sa ilang linya ni Maricel Soriano sa pelikula ng Diamond Star na “Minsan Lamang Magmamahal.”

Siyempre, sinamahan ni Meng ng katatawanan ang comeback dubsmash na una niyang ginawa.

Anyway, anytime ay isisingit na ng Phenomenal Star ang taping nila ni Alden Richards para sa Lenten special ng Eat Bulaga.

Hintayin na lang natin kung ano ang mga bagong pasabog ng AlDub sa nakatokang Holy Week episode ng EB. Balitang makakasama nila sa gagawin nilang episode si Paolo Ballesteros.

q q q

Samantala, in full swing na ang preparasyon ni Alden Richards para sa third album niya under GMA Records.

Ibinahagi ng GMA Records sa Instagram account nito ang ilang fotos at behind the scenes ng pictorial ni Aden. Siyempre, tulaley muli ang ilang fans sa guwapitong si Alden na lutang na lutang ang kakisigan sa suot niyang suit.

Kung walang pagbabago, makakasama sa album ni Alden ang komposisyon ni Ogie Alcasid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending