Aktres mawawalan ng mga raket dahil sa tigas ng ulo | Bandera

Aktres mawawalan ng mga raket dahil sa tigas ng ulo

Reggee Bonoan |February 18,2018
facebook
share this

Aktres mawawalan ng mga raket dahil sa tigas ng ulo

Reggee Bonoan - February 18, 2018 - 12:15 AM


HINDI na kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay hindi na mapanood sa isang serye ang aktres na uma-attitude dahil naiinggit sa mga kasamahan nito sa programa.

Feeling kasi ng aktres ay sikat na sikat pa rin siya. Oo, kilala pa rin naman siya sa showbiz pero hindi na siya nagle-level up pagdating sa pag-arte, natabunan na siya ng mga baguhang artista.

Ilang beses nang kinausap ng management ang aktres na baguhin nito ang nakasanayang istilo sa akting dahil nasa millennial age na ngayon, pero waley pa rin – bingi-bingihan ang drama nito.

Sa pagkakaalam namin kapag ganito ang problema sa isang programa ay hindi na pinatatagal pa ang karakter dahil nagiging liability sa lahat, sa halip na mapadali ang trabaho ng lahat ay nagtatagal pa dahil paulit-ulit kinukunan ang eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending