PAANO kaya napapayag ng direktor ng Sana Dalawa Ang Puso si Richard Yap na mag-topless? | Bandera

PAANO kaya napapayag ng direktor ng Sana Dalawa Ang Puso si Richard Yap na mag-topless?

Reggee Bonoan |February 16,2018
facebook
share this

PAANO kaya napapayag ng direktor ng Sana Dalawa Ang Puso si Richard Yap na mag-topless?

Reggee Bonoan - February 16, 2018 - 12:10 AM

Y

JODI STA. MARIA AT RICHARD YAP

ES, bossing Ervin, sa nakaraang episode ng serye ay ipinakitang bukas ang polo ng aktor at kita ang nipples niya na pinagnanasahan naman ni Mona (Jodi Sta. Maria).

Kilalang konserbatibo ni Ser Chief (tawag pa rin kay Richard) kaya nagulat kami nang mapanood namin ang eksenang tulog ang aktor dahil sa kalasingan at hindi niya namalayang bukas ang damit niya.

Hirit ng kausap naming katoto, “Naku, siguro kailangan na ring makipag-sabayan ni Richard kasi si Robin (Padilla), walang pakundangang maghubad ‘yun. Para hindi mahuli si Richard, nagpakita na rin siya.”

Naku, tiyak na maglalaway ang mga kababaihang may lihim na gusto sa aktor noon pang kasagsagan ng Be Careful With My Heart kung saan puro ngiti at simangot lang ang acting ni Richard, e, di lalo na ngayon na nagpakita na siya ng skin.

Ang taas-taas ng rating ng Sana Dalawa Ang Puso kaya naloloka na naman ang mga katapat na programa ng serye nina Robin, Richard at Jodi sa kabilang TV network.

Anyway, sa eksenang maninilbihan si Lisa (Jodi) kina Leo (Robina) ay tinapos na kaagad ng huli ang trabaho ng una dahil dinaya raw siya. Ginamit ang mga kapitbahay nila para ipagawa ang mga dapat gawin ng una.

Hindi kasi matanggap ni Leo na naisahan siya ni Lisa, na ginamit ang pera nito para matapos lahat ng ipinagagawa niya. Kaya ang ending, nag-away sila at nagsabihang hindi na sila magpapansinan pag nasa opisina.

Pero hindi naman napanindigan ni Leo dahil panay pa rin ang papansin niya kay Lisa nu’ng bumalik na siya sa opisina.

Ang tanong hindi na nga kaya hihingi ng tulong si Lisa kay Leo lalo na ngayon na ia-anunsyo na ang engagement nila ni Martin (Richard). At dahil muling nakatuntong ng sabungan si Ramon (Edgar Mortiz) na nagkapera nga dahil sa balato ng pasahero niyang binigyan niya ng kakanin na pampasuwerte raw ay mauulit kaya ulit ito?

Si Martin na magiging sabungero na rin pagdating ng araw dahil sa pustahan nila ng may-ari ng lupang gusto nitong bilhin ay mapapadalas na rin at dito sila magkikita na ni Mona na naging kristo sa sabungan sa probinsya nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mga susunod na episodes ng Sana Dalawa Ang Puso bago mag-It’s Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending