Angelica naka-move na sa panloloko ni Lloydie

By Cristy Fermin February 14,2018
share this

Angelica naka-move na sa panloloko ni Lloydie

By Cristy Fermin February 14,2018
share this

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

NAKAPAG-MOVE on na si Angelica Panganiban mula sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz. Para makapagkuwento na siya tungkol sa nangyari, para mabalikan niya nang tumatawa na ang kuwento ng kanilang dating relasyon, ibig sabihi’y nakalundag na siya mula sa matinding kalungkutan.

Pero natural lang sa isang nasaktan ang kahit paano’y pumitik dahil sa naranasan niyang mga sama ng loob. Tulad ng nangyari kay Angelica na asang-asang sila na uli ni JLC, pero may kakaibang nangyari, karelasyon na pala nito si Ellen Adarna.

Napakasakit nga naman nu’n, siya pa ang huling nakaalam na may iba na palang karelasyon ang kanyang boyfriend, ‘yun ang hugot ng magandang aktres.

Pagkatapos nga naman niyang paglingkuran ang lalaki, pagkatapos nga naman niyang tanggapin ang katotohanan na magbubuo sila ng sariling mundo, meron na palang ibang babaeng kaplano si John Lloyd.

At dahil nakapag-move on na nga si Angelica ay ngayon na lang niya nasisilip ang mga kapintasan ng lalaking minahal niya. Malapad ang noo, hindi naman kabruskuhan ang katawan, marami!

Ganu’n naman talaga. Sabi nga ng isang magaling na aktres na nakausap namin nu’ng minsan, “Dati, halos magpaalipin ako sa ex kong ‘yan! Grabe ang isinakripisyo ko para sa kanya!

“Pero ngayon, kapag nakikita ko siya sa TV, nasasabi ko sa sarili ko, ano ba ang nakita ko sa kanya nu’n para magpakaloka ako sa kanya?

“Nagkikita kami ngayon, magkatrabaho pa nga kami, e. Pero parang talbos na lang siya ng kamote sa paningin ko, hindi ko na siya pinapansin. Hay, ang pag-ibig talaga kapag nilaro ka!” madiin pang sabi ng magaling na female personality.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending