Maymay kay Edward: Ang sweet-sweet niya, sobrang maalaga! | Bandera

Maymay kay Edward: Ang sweet-sweet niya, sobrang maalaga!

Bandera |February 09,2018
facebook
share this

Maymay kay Edward: Ang sweet-sweet niya, sobrang maalaga!

Bandera - February 09, 2018 - 03:28 PM

Bongga ang pagtanggap ng madlang pipol sa magazine shoot nina Maymay Entrata at Edward Barber sa Germany.

Puring-puri ang magka-loveteam sa mga naglabasang photo nila sa social media kung saan naka-costume sila bilang prinsipe at prinsesa sa isang fairy tale.

Sa isang panayam, natanong si Maymay kung ano pa ang nadiskubre niya kay Edward habang nasa Germany sila? Ayon sa dalaga, mas nakilala pa niya ang pagkatao ng binata at napatunayan niya kung gaano talaga iro kabait.

“Mapagmahal siya sa pamilya niya. Maalaga ng sobra kasi talagang ang sweet-sweet niya. Kasi ang nagustuhan ko sa kanya, binibigyan niya ng time yung mama niya, yung papa niya, yung kapatid niya,” ani Maymay.

Para naman kay Edward, ibang klase raw talaga ang pagiging fighter ni Maymay. At kung may na-discover pa siya sa dalaga, ito ay ang, “Akala ko si Maymay she cannot survive without rice. Pero nu’ng nasa Germany kami one or two times lang we ate rice.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending