Kilalang male celebrity walang awa sa mga anak, pati sasakyan ipinagdadamot | Bandera

Kilalang male celebrity walang awa sa mga anak, pati sasakyan ipinagdadamot

Cristy Fermin |February 09,2018
facebook
share this

Kilalang male celebrity walang awa sa mga anak, pati sasakyan ipinagdadamot

Cristy Fermin - February 09, 2018 - 12:15 AM

MAHILIG sa mga de-klaseng sasakyan ang isang pamosong male personality. ‘Yun ang hilig nilang magkakabarkada, magagarang sasakyan, na milyones ang halaga.

Hiwalay na sa kanyang misis na aktres ang sikat na lalaking personalidad, hindi naging maganda ang kanilang hiwalayan, umabot pa ‘yun sa husgado.

Meron silang mga anak, inilaban ng babae ang karapatan ng mga bata, kasali na du’n ang matrikula ng mga bagets at ang mga pangangailangan ng mga ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Kuwento ng aming source, “Natural, kailangan ng sasakyan ng mga bata sa pag-aaral nila. Mga babae pa naman sila, kailangang hindi sila namamasahero, baka kasi may magtangka sa mga bata dahil magaganda na, e, makikinis pa!

“So, tinawagan ng girl ang ex-husband niya, nagpapakuha siya ng sasakyan ng mga bata, sandali lang ang naging usapan nila. Nagpadala naman ang tatay ng mga bagets, pero nagkaroon ng problema.

“Sa unang araw pa lang kasi ng paggamit ng van ng mga bata, e, tumirik na agad ang sasakyan. Malapit na ngang ma-late sa school ang magkakapatid, kasi nga, inayos pa ng driver nila ang van.

“Nu’ng sumunod na araw, e, ganu’n na naman, pahintu-hinto ang van, palyado ang makina, maraming problema! Ayaw na ngang sumakay du’n ng magkakapatid, magta-taxi na lang daw sila dahil sirain naman ang van na ipinahiram ng daddy nila!” simulang kuwento ng aming impormante.

Natural, awang-awa ang nanay sa kanyang mga anak, kaya tinawagan niya uli ang kanyang ex. Mas madiin na ang kanyang boses, may kahalo nang galit, dahil ang kanilang mga anak ang nagiging kaawa-awa sa sitwasyon.

Patuloy ng aming source, “Galit na galit siya, alam niya kasi kung gaano karami ang sasakyan ng ex niya, kahit nu’ng nagsasama pa sila, e, sa mga sasakyan nauuwi ang kinikita ng ex niya!

“Ang sabi niya, ‘Ano ka ba naman? Ang dami-dami mong sasakyan, limang sasakyan ang nakaparada sa garahe mo, pero ito pang sirain ang ipinadala mo para magamit ng mga bata? Anong klaseng ama ka ba? Wala kang malasakit sa mga anak mo!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nu’n pa lang pinalitan ng tatay ang service ng mga anak niya. Kundi niya ginawa ‘yun, e, siguradong magwawala ang girl, ipaglalaban niya ang mga bata, hindi makakakita ng sunshine kinabukasan ang male personality kapag sinugud-sugod na siya ng ex-wife niya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending