Marian loyal Kapuso: Walang dahilan para iwan ko ang GMA! | Bandera

Marian loyal Kapuso: Walang dahilan para iwan ko ang GMA!

Jun Nardo |February 06,2018
facebook
share this

Marian loyal Kapuso: Walang dahilan para iwan ko ang GMA!

Jun Nardo - February 06, 2018 - 12:01 AM


HINDI pa rin matitinag ang pagiging Primetime Queen ni Marian Rivera dahil muli siyang nag-renew ng kontrata sa GMA Network kahapon. Lubos ang pasasalamat niya sa Kapuso Network sa pagbibigay sa kanya ng title na ‘yon.

“Pero ang mas mahalaga, ‘yung paano mo binibigyan ng inspirasyon ang mga tao sa ginagawa mo. Ako siguro, may anak ako kaya mas malaki ang responsibilidad na makita ng anak ko na lahat ‘yon okey.

“Kasi for sure, kung ano ang nakikita ng bata, ‘yon ang gagayahin nila. Gusto kong maging ehemplo especially na nanay na ako. Gusto ko na magkaroon ng kahulugan ang ginagawa ko at hindi ‘yung basta-basta lang!

“Of course, hindi lang sa nanay, sa tatay, siguro sa lahat ng tao! ‘Yung buong pagkatao mo, kung paano mo gagawing makabuluhan ‘yon. Siguro pati na pagtulong sa ibang tao!” pahayag ni Marian after ng kanyang contract signing.

Mahigit isang dekada na si Yan bilang Kapuso actress. Wala pang mga detalye sa mga susunod na proyekto ni Marian sa GMA. Pero ayon kay Atty. Felipe Gozon, marami pang gagawing projects ang reyna ng Kapuso.

“Akala nila, ‘yun na ‘yon kasi marami pa kaming gagawin. Ano ba ang gusto mong gawin ko?” balik-tanong niya sa amin.

Hindi naman siya puwedeng maghubad, di ba? “Bakit hindi? May pa-cleavage nga ako ngayon, oh!” tugon niya dahil sa suot niyang damit na may pasilip nga sa kanyang boobs.

Magkakaroon na ba sila ng bagong series ni Dingdong Dantes this year na matagal na ring hinihintay ng kanilang mga fans?

“Malay mo bigyan kami ng GMA ng sitcom! Hindi natin alam, di ba?” sagot niya.

Ano ba ang meron sa GMA at nananatili siyang loyal sa Kapuso since day one?

“Wala naman akong maisip na dahilan para hindi ako manatili sa GMA. Una sa lahat, sila ang unang nagbigay sa akin ng break. Pangalawa, forever kong tatanawing utang na loob ‘yon. Kung anuman ang meron ako ngayon, dahil sa GMA ‘yon. Sa pagtitiwala nila. What else can I ask for, di ba? Walang dahilan para hindi ako manatili rito,” rason ni Marian.

q q q

Puwede bang makapareha siya ng ibang aktor from the other networks? “Sila ang lumipat dito para makapareha nila ako! Nang-iintriga ka, eh! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

“Aba, napakaraming artista ng GMA. Bakit pa ako maghahanap eh, sa sarili kong network meron naman,” katwiran ni Marian.

Wala pa siyang maipahayag kung anong genre ng programa ang magiging kasunod ng natapos niyang Super Ma’am.

“Ilalatag muna nila sa akin after nito. Ganoon naman palagi ang GMA, transparent sila sa akin. Para ngang kahit anong gusto nilang ihubog sa akin mula nang mag-asawa ako nagkaanak, spoiled talaga ako.

“Lalo na pag nagko-collaborate sila ng management ko, panatag ang loob ko,” sey niya.

Marami nang nakaka-miss sa kanya sa heavy drama, “Gusto mo ba? Why not? Eh nasa plano kasi ‘yon ng GMA. Kung ano ang gusto nilang ibigay at makakabuti sa akin, magtitiwala ako sa kanila!” diin ni Yan Yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago sumabak sa bagong show, magbabakasyon muna si Yan kasama sina Dong at Zia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending