Robin nalugi sa ‘Bonifacio’, pero itutuloy pa rin ang life story ni Marcelo Del Pilar | Bandera

Robin nalugi sa ‘Bonifacio’, pero itutuloy pa rin ang life story ni Marcelo Del Pilar

Julie Bonifacio |February 02,2018
facebook
share this

Robin nalugi sa ‘Bonifacio’, pero itutuloy pa rin ang life story ni Marcelo Del Pilar

Julie Bonifacio - February 02, 2018 - 01:15 AM

ROBIN PADILLA

UMEERE na sa ABS-CBN ang teleserye ng action superstar na si Robin Padilla katambal ang Daytime Drama Queen na si Jodi Sta. Maria, ang Sana Dalawa Ang Puso sa ABS-CBN noong Lunes.

Middle of 2017 ay naisulat na namin ang tungkol sa pagbuo hanggang sa pagsisimula ng taping ng nabanggit na serye. We just wonder kung bakit now lang ipinalabas ang bagong show ni Robin sa Kapamilya network.

“Ah, magulo ang isip ng ABS, e. Hindi nila alam kung ano ang uunahin, pelikula o ‘yung teleserye. Kasi nag-umpisa kami ng teleserye biglang nagpe-pelikula. E, ako naman, siyempre, ako’y alipin lang ng sining, kung ano ang iutos ‘yun ang gagawin ko. Pero talagang pinaghandaan ko ito, e,” paliwanag ni Robin.

Hindi naman naging cause of delay si Robin kaya ngayon lang umere ang SDAP. Nagsu-shoot naman daw ‘yung ibang kasama sa show habang hindi pa final ang lahat.

“Wala naman po siguro akong kapangyarihang…talaga pong ‘yung ABS ang ano, sila po ang gumawa ng paraan. Ikaw talaga ka-batch ‘yung mga tanong mo, e, parang na-guilty tuloy ako, e,” nangingiting sabi sa amin ni Robin sa bloggers conference ng programa.

Bukod sa bagong teleserye, may dalawang malalaking movie projects na ginagawa si Robin, ang “Bad Boy 3” at ang filmbio ng national hero natin na si Marcelo H. del Pilar. Pero ayon kay Robin, pinatigil muna niya ang shooting para rito.

“Noon pong kinausap ako ni Ma’m Malou Santos (ng Star Cinema), nagdesisyon po kami ng opisina ko, ‘yung Vidanes, stop na po muna ‘yung dalawang pelikula,” ani Binoe.

Wala pang kinukuha si Robin na leading lady para sa “Bad Boy 3.” If ever, maliit lang naman daw ang role nu’ng magiging love interest niya sa movie. Marami-raming beses na raw siyang nakapag-shoot sa “Bad Boy3” and definitely, gagawin niya ang pelikula about Marcelo del Pilar.

“‘Yun ang hindi pwedeng hindi magawa. Siguro pagbibigyan lang muna natin ‘yung trip nila na walang bigote, oo. Darating ang panahon na pagbibigyan din nila ako siguro,” kuwento pa ng aktor.

Tahasang sinabi ni Robin sa amin na hindi niya nabawi ang malaking kapital na ginastos niya sa historical film na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo?”

“Wala! Lugi talaga ‘yun. Pero okey lang kasi ‘pag nabalitaan mo na inilalalabas sa mga eskwela, matutuwa ka. Para sa akin ‘yun ‘yun, e. ‘Yun naman siya, kaya siya ginawa, e.”

Target ni Robin na maipalabas ang Marcelo movie this year, “Sana nga, e, December ‘yun. Sana pumayag na sila na magpatubo na ako ng bigote. Ayaw ko kasi ng fake na bigote. Ang pangit, e!”

Nagpasintabi naman si Robin sa mga gumagawa ng fake na bigote. Aniya, “Pero masyadong kritikal ngayon ang mga bata, e. Kapag nakita nilang kahit ang ganda-ganda ng ginawa mo, kahit anong ganda, ang papansinin ‘yung ano, e. Kaya kailangan talaga ‘yung tunay. E, ang pangit naman kung si Plaridel ay iba-bash pa. Hindi siya dapat maging biktima ng bashing. Hero natin ‘yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa relasyon nila ni Mariel Rodriguez, naikuwento ni Robin sa isang interview ang kanyang sex life ngayon, “Kung puwede talaga mga two times a day lang okay na yun. Nagba-budget pa ako nu’n. Kailangan may pacing eh, 48 na ako. Nu’ng araw kasi puwede talagang all night long. Pero kapag 48 ka na, medyo kailangan kumain ka rin, kailangan matulog ka rin. Paggising okay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending