Bela kina Angel at Neil: Wala akong nararamdamang galit! | Bandera

Bela kina Angel at Neil: Wala akong nararamdamang galit!

|January 28,2018
facebook
share this

Bela kina Angel at Neil: Wala akong nararamdamang galit!

- January 28, 2018 - 12:01 AM

BELA PADILLA, ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

BALAK ni Bela Padilla na imbitahan ang rumored couple na sina Neil Arce at Angel Locsin sa premiere night ng bagong movie niya na “Meet Me In St. Gallen” kasama si Carlo Aquino.

Matagal nang hiwalay sina Bela at Neil pero hanggang ngayon ay nili-link pa rin ang pangalan niya sa relasyon ng kanyang ex BF kay Angel.

Sa presscon ng pelikula, natanong ang aktres kung ano ang reaksyon niya sa pagkukumpara sa kanila ni Angel at sa mga taong gusto silang pag-awayin.

“Wala akong nararamdaman na galit. Wala po akong nababasa (na mga posts). At hindi ko rin po sinisilip kung hindi ko account, kasi ang dami ko pong ginagawa para usisain ko pa ang accounts nila,” depensa si Bela.

Hirit pa ng aktres, “But wala akong napi-feel na galit or anything. In fact, balak ko pa silang dalawang yayain sa premiere night namin kasi gusto kong manood sila. Kasi kaibigan namin silang lahat, one group.”

Maayos na maayos din daw ang relasyon nila ni Neil, “Kapag kailangan ng tulong, puwedeng humingi ng tulong, hindi naman kami magkaaway. Sobrang okay naman.”

Single pa rin daw siya ngayon at mas gusto niyang mag-focus sa trabaho kesa sa lovelife. Umaasa rin siya na marami ang manonood ng “Meet Me In St. Gallen” para mas marami silang ma-inspire na couples sa kuwento ng bagong hugot movie ng Spring Films at Viva Entertainment.
Showing na ito sa Feb. 7 sa mga sinehan mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending