Ellen inasar-asar si Angelica: Hindi na ako magpapaloko sa 'yo na paasa! | Bandera

Ellen inasar-asar si Angelica: Hindi na ako magpapaloko sa ‘yo na paasa!

Ervin Santiago |January 28,2018
facebook
share this

Ellen inasar-asar si Angelica: Hindi na ako magpapaloko sa ‘yo na paasa!

Ervin Santiago - January 28, 2018 - 12:05 AM

 


KUNG bibigyan ng malisya ang kumalat na video ni Ellen Adarna habang kumakanta ng isang Cebuano song, siguradong ang iisipin ng mga nakapanood nito ay pinatatamaan niya si Angelica Panganiban, ang ex-girlfriend ng karelasyon niya ngayong si John Lloyd Cruz.

Kuha ang nasabing video sa kanyang Instagram Story kamakailan kung saan kasama ni Ellen ang ilang kaibigan na nagkakantahan. Isa itong Visayan song na may titulong “Pero Atik Ra” na pinasikat ni Jacky Chang.

Mapapanood sa video na sinasabayan ng sexy star ang kanyang mga friends sa pagkanta. Ang ilang linya na maririnig sa video ay ang, “Dili na ko mag-assume/Dili na ko magpada/Dili na ko magpatonto nimo nga paasa.” Na ang ibig sabihin sa Tagalog ay, “Hindi na ako mag-a-assume/Hindi na ako magpapadala/Hindi na ako magpapaloko, sa iyo na paasa.”

Maraming netizens ang nag-react sa nasabing video at naniniwala silang pang-asar nga kay Angelica ang nasabing kanta pagkatapos nga nitong tumalak tungkol sa mga ahas o mang-aagaw ng boyfriend.

Sabi ni Angge, “Tigilan niyo ‘yung may mga asawa, tigilan niyo ‘yung may mga karelasyon na. ‘Pag may karelasyon na, huwag n’yo piliting sirain. Huwag n’yong guluhin ‘yung mga taong masasaya. Ano, nagkaubusan ng lalaki?!”

“Tapos kung makapag-post kayo, akala n’yo mga wala kayong sinaktan. Kunyari masaya kayo, e ‘di wow! Parang hindi ka inagawan. Excuse me, ha! Inagaw mo lang ‘yan sa ‘kin! Tapos ikaw pa ang proud. Tigilan niyo ‘yan.” hirit pa ni Angelica.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending