Neil Arce kay Angel: My 2017, 2018, 2019...My forever, I love you!' | Bandera

Neil Arce kay Angel: My 2017, 2018, 2019…My forever, I love you!’

Ervin Santiago |January 02,2018
facebook
share this

Neil Arce kay Angel: My 2017, 2018, 2019…My forever, I love you!’

Ervin Santiago - January 02, 2018 - 12:15 AM

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

MULING pinatunayan ng film producer na si Neil Arce ang kanyang pagmamahal kay Angel Locsin sa pamamagitan ng isang super cheesy message.

Sa pagpasok ng New Year, nag-post si Neil ng selfie photo nila ni Angel na magkasama sa isang tumatakbong sasakyan.

Nilagyan niya ito ng caption na: “My 2017, 2018, 2019… And sabi nga niya pag ginalingan ko… My forever, don’t worry gagalingan ko. I love you!”

Maraming fans ni Angel ang kinilig sa post ni Neil pero may mga nangnega rin sa binata. Pero in fairness, mas marami pa rin ang nagsabing bagay na bagay ang dalawa at sana’y sila na nga ang magkatuluyan sa huli.

Sey naman ng mga kontra sa relasyon nina Angel at Neil, halata naman daw ginagamit ng producer ang Kapamilya actress at pumapayag naman daw ang dalaga na magpagamit. Wish nila, sana raw ay magising agad sa katotohanan si Angel at maghanap muli ng lalaking babagay sa kanya.

Wala pang diretsong pag-amin sina Angel at Neil sa tunay nilang relasyon, ang palagi lang nilang sinasabi ay mahal nila ang isa’t isa at ayaw pa nila itong lagyan ng anumang label.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending