Liza No. 1 sa 2017 Most Beautiful Faces | Bandera

Liza No. 1 sa 2017 Most Beautiful Faces

|December 30,2017
facebook
share this

Liza No. 1 sa 2017 Most Beautiful Faces

- December 30, 2017 - 12:05 AM

LIZA SOBERANO

WINNER! Ang Kapamilya young actress na si Liza Soberano ang nag-number one sa listahan ng Most Beautiful Faces of 2017.

Naglabas na ang TC Candler (isang professional film critic) ng kanilang taunang 100 Most Beautiful Faces of the Year, (published by The Independent Critics) at bumandera nga si Liza sa unang pwesto. Ito ang unang pagkakataon na isang Filipina celebrity ang nanguna sa listahan.

Apat pang Pinay ang napasama sa list, kabilang na riyan sina Kim Domingo (96), Nadine Lustre (78), Jessy Mendiola (71) at Kathryn Bernardo (60).

Samantala, sa 100 Most Handsome Faces of 2017, pasok si James Reid sa ikaapat na pwesto, habang nasa 88th spot naman si Daniel Matsunaga at ika-61 naman ang rumored boyfriend ni Liza na si Enrique Gil.

q q q

Muling mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi ang madramang episode ng Maaalaala Mo Kaya ni Zanjoe Marudo kung saan gumanap siya bilang isang “cave man”.

Masayang namumuhay ang pamilya ni Juan (Zanjoe) kasama ang asawang si Melissa (Dawn Chang) at dalawang anak sa isang malayong probinsya. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, iniwan siya ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki.

Halo-halong malas na ang dumating sa buhay ni Juan at winasak pa ng bagyo ang kanilang tahanan, kaya naman humantong siya sa desisyong manirahan silang mag-aama sa isang kweba. Saan dadalhin si Juan ng kanyang kahihiyan sa dinadanas ng mga anak? Matupad pa kaya niya ang pangako sa mga anak na bigyan sila ng magandang buhay?

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Xyriel Manabat, Louise Abuel, Alfonso Yñigo Delen, Justin Cuyugan at Lemuel Pelayo sa direksyon Nuel Naval at sa panulat nina Jimuel dela Cruz at Arah Jell Badayos. Sa episode na ito na-nominate si Zanjoe nilang best actor sa 45th International Emmy Awards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending