3 patay sa sunog sa isang printing shop sa Quiapo | Bandera

3 patay sa sunog sa isang printing shop sa Quiapo

|December 15,2017
facebook
share this

3 patay sa sunog sa isang printing shop sa Quiapo

- December 15, 2017 - 03:13 PM

TATLO ang patay matapos sumiklab ang sunog sa isang printing shop sa Quiapo kaninang umaga.
Nabigong makalabas ang tatlong empleyado ng Lumandas Printing Shop na matatagpuan sa kahabaan ng Recto ave. na nangyari ganap na alas-4 ng umaga. Naapula ang apoy makalipas ang isang oras.

Nakilala ang mga biktima na sina Joel Iba, 50; Benjie Solis, 27; at Ronald Obiedo, 49.
Isinagawa ang Christmas party ng mga empleyado gabi bago mangyari ang sunog, ayon sa may-ari ng printing press na si Renato Galicia.

Natulog ang ilang empleyado sa printing shop matapos malasing, sabi pa ni Galicia.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog, bagamat sinabi ni Galicia na posibleng ito’y mula sa naiwang nakasinding sigarilyo o ang videoke machine na naiwang nakabukas ng tatlong natulog sa printing shop. Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending