Lloydie matagal nang gustong magka-baby; wala pang planong bumalik sa pag-aartista | Bandera

Lloydie matagal nang gustong magka-baby; wala pang planong bumalik sa pag-aartista

Reggee Bonoan |December 12,2017
facebook
share this

Lloydie matagal nang gustong magka-baby; wala pang planong bumalik sa pag-aartista

Reggee Bonoan - December 12, 2017 - 12:05 AM

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

GOOD thing hindi apektado ang rating ng Home Sweetie Home sa pagkawala ni John Lloyd Cruz dahil kung sakaling hindi na ito nagre-rate suguradong babu na rin ito sa ere.

Nalaman namin sa isang taga-ABS-CBN na tinaningan na raw ng management ang Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Lloydie.

“Dahil hindi alam kung babalik pa si John Lloyd sa Home Sweetie Home kaya ipinalit si Piolo Pascual.

Kung bumaba nang husto ang rating ng programa ay 100% sisibakin na, pero hindi nangyari dahil naisalba ni Papa P.,” kuwento ng aming source.

Tinanong namin kung babalik pa ba si JLC sa sitcom nila ni Toni, “Wala namang makapagsabi kasi nga hindi naman siya nakikipag-usap, hindi ko alam kung ano ang bilin niya sa Star Magic,” sagot sa amin.

Wala ring makapagsabi kung magpapakasal na ba sina John Lloyd at Ellen Adarna, balitang namanhikan na ang binatang aktor sa magulang ng sexy star.

“Siguro matagalang bakasyon ang gagawin ni John Lloyd kasi siyempre buntis si Ellen, ito muna ang bibigyan niya ng panahon, saka gustung-gusto na talagang magkaanak ni Lloydie noon pa kaya siguro ang saya-saya niya ngayon,” dagdag ng aming kausap.

Kung matagal nang gustong magkaanak ni John Lloyd, ibig sabihin si Angelica Panganiban ang ayaw pang magbuntis noong sila pa? Pero sa pagkakaalam namin parang gusto na rin naman yata ng aktres na magkatuluyan na sila ng aktor. Ang alam namin si JLC ang hindi pa handang mag-asawa noon.

Anyway, pustahan naman ang ilang mga nakakausap namin kung may babalikan pa sa showbiz si John Lloyd.

“Maaapektuhan talaga ang career ni John Lloyd kapag nag-asawa na siya, pero hindi siya mawawala, siguro hindi na siya kasing init dati na puwedeng itambal kay Sarah (Geronimo) o kay Bea (Alonzo) kasi may asawa na siya. Depende pa rin siguro.

“Like si Toni, nu’ng nag-asawa’t nagkaanak naman siya, ramdam naman niyang bumaba na siya di ba?

Kita mo nga, hindi ganu’n kainit ‘yung movie nila ni Piolo na ‘Last Night’ kumpara sa ‘Starting Over Again’.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Guaranteed contract kasi si Toni kaya nabibigyan pa ng projects, pero kung hindi siya guaranteed, pustahan tayo, iilan lang. Basta nag-asawa na, may pagbaba sa career,” paliwanag ng kausap naming entertainment editor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending