James, Nadine naglabas ng ebidensya sa 'buntisan scandal' | Bandera

James, Nadine naglabas ng ebidensya sa ‘buntisan scandal’

Ervin Santiago |December 10,2017
facebook
share this

James, Nadine naglabas ng ebidensya sa ‘buntisan scandal’

Ervin Santiago - December 10, 2017 - 12:05 AM

NAGSIMULA nang umikot ang mga camera para sa bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre under Viva Films.

Kahapon, nag-trending ang litrato ng JaDine na kuha ng cinematographer na si Mycko David. Sa kanyang Instagram post makikita ang reel and real life sweethearts na magkasama sa isang kinukunang eksena.

Base sa nasabing IG photo, ang working title ng bagong movie nina James at Nadine ay “Here’s To The Fools”. Wala pang detalye kung ano ang nga character na ginagampanan ng magdyowa sa pelikula pero sa title pa lang ay magkakaroon na kayo ng idea kung ano ang itatakbo ng kuwento nito.

Kung matatandaan, una nang nag-post ang direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone kung saan makikita na magka-holding hands sina James at Nadine na parehong may tattoo sa kanilang mga braso.

Samantala, sa pagsalang muli ng JaDine sa pelikula, ibig sabihin wala ngang katotohanan na buntis si Nadine.

Siyempre kung pregnant ang dalaga, bawal na siyang sumalang sa matitinding trabaho dahil delikado sa sanggol na dinadala niya.

Kaya sa lahat ng mga nagpapakalat ng tsismis na buntis si Nadine, e, sorry na lang dahil mukhang fake news yata iyan. Nauna rito, pareho nang pinabulaanan ng dalawa na magiging parents na sila at sinabing wala pa silang planong magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending