Sikat na aktor galante sa dyowa, may pa-flowers araw-araw

By Cristy Fermin December 07,2017
share this

Sikat na aktor galante sa dyowa, may pa-flowers araw-araw

By Cristy Fermin December 07,2017
share this


ANG saya-saya ng kuwentuhan ng mga magkakaumpukang taga-showbiz nu’ng isang gabi. Nalulukuban ng halakhakan ang buong lugar, apiran nang apiran ang mga becki, ang dami-dami kasi nilang naaalalang anekdota ng mga artistang nakakatrabaho nila.

Pero ang pinakapinagpistahan ng tropa ay ang male personality na napaka-generous sa kanyang mga nakakarelasyon. Butas kuno ang bulsa ng guwapo, sikat at magaling na aktor sa pakikipagrelasyon.

Kuwento ng isang miron, “Saan ka naman makakakita ng lalaking ganu’n? Sa umaga pa lang, e, pinasasaya na niya ang girlfriend niya? At consistent siya, ha? Sa paggising pa lang ng girl, e, may flowers na agad para sa kanya!

“May suki nang flower shop si ____ (pangalan ng male personality), meron na silang arrangement na every morning, padadalhan ng flowers ang girlfriend niya.

“Everyday ‘yun, as in, araw-araw talaga! ‘yun ang usapan nila, kailangang paggising pa lang ng karelasyon niya, e, nakangiti na ang girl dahil sa mga bulaklak na padala niya.

“Ganu’n siya ka-sweet, ganu’n din siya kabongga, hindi biro ang magpadala ng bouquet of flowers araw-araw na puro imported na klase ng bulaklak ang ipinadadala niya!” papuri ng source sa sikat, guwapo at magaling na aktor.

Hindi lang ‘yun. Kapag may tatlong araw na pahinga sa pagtatrabaho ang male personality ay agad na niyang sasabihan ang kanyang girlfriend na bumili agad ng plane tickets dahil aalis sila.

Sabi naman ng isang miron, “Gusto raw kasi niyang makapag-bonding sila nang husto, ‘yung makapagtanggal sila ng stress sa sunud-sunod na trabaho. Ganu’n siya kabongga, abroad kung abroad lang ang peg niya!

“At siyempre, all expenses paid by the actor ang bawat biyahe nila ng girl. Mahilig din siya sa shopping, puro branded stuff ang binibili niya, kaya damay na rin du’n ang girlfriend niya!

“Kaya masuwerte ang GF niya ngayon. Napaka-generous ng natagpuan niyang boyfriend. Magkasundo na sila sa maraming bagay, lalo na sa pagwawalal, e, mahal pa nila ang isa’t isa!” madiing sabi ng aming source.

O, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino ang pabolosong male personality na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending