Ate Vi kay Jessy: Salamat dahil pinasasaya mo lagi si Luis! | Bandera

Ate Vi kay Jessy: Salamat dahil pinasasaya mo lagi si Luis!

Jun Nardo |December 06,2017
facebook
share this

Ate Vi kay Jessy: Salamat dahil pinasasaya mo lagi si Luis!

Jun Nardo - December 06, 2017 - 12:05 AM


“TRABAHO” day para kay Cong. Vilma Santos-Recto ang araw ng silver wedding anniversary nila ni Sen. Ralph Recto, Dec. 11. Meron siyang committee hearing sa araw na ‘yon pero bago ang anibersaryo, nakapagbakasyon na sila noong nakaraang birthday niya last November.

Heaven para kay Cong. Vilma ang 10 days na bakasyon na ‘yon kasama ang pamilya.

“Looking forward talaga ako in a year pag birthday ko na may konting break kahit paano. ‘Yung kasama mo ang pamilya mo. Kuwentuhan lang,” saad ni Ate Vi nang makausap namin sa office niya sa Kongreso.

Malapit na ang Pasko at pamilya niya ang kasama niya tuwing Noche Buena sa bahay, “Family ‘yon. Pag sinabing family, kasama lahat. Pati ‘yung ating kasambahay, nagki-Christmas kasama ang pamilya nila. ‘Yun ang lagi naming Pasko,” bulalas ni Ate Vi.

At 25th wedding anniversary nila ni Sen. Ralph, huh!

“Oo nga eh! Si Ai Ai (delas Alas) sa Dec. 12 ang wedding. Sabi ko nga, bakit mo sinunod sa wedding anniversary namin? Sabi niya, idolo raw niya talaga ako kasi pati wedding anniversary ko sinunod niya! Ha! Ha! Ha!

“Plans? Sinabi ni Ralph, biro lang naman kung ano ang gusto ko. Travel o ikakasal ulit? Sabi ko, ‘We’ve been together for 32 years na.’ Seven years kaming mag-on plus 25 years, 32 years na kami.

“Sabi ko, travel na lang pag may time. Kasi kailangan ko rin ‘yon. ‘Yun lang ang time na nagiging sane ka! Ha! Ha! Ha! Normal! Normal, di ba?” rason ni Mrs. Recto.

q q q

Kumusta naman ang dalawa niyang anak?

“So far, Luis is very happy. Si Ryan is looking forward. Fixing his future. Twenty one na so nag-iisip na para sa future niya. Ano ba talaga ang gusto niya? Kasi si Lucky, that time hindi pa rin alam ang gusto.

“Nag-iisip kung ano ang gusto niyang patunguhan. Awa ng Diyos, thank you, Lord. Okay naman,” chika niya.

May Christmas gift na ba siya sa sarili niya? “Alam mo minsan, hindi ko na iniisip ‘yan, eh. Basta pag Pasko, kailangan magkakasama kami ng family ko.

“Heto (iPhone X), niregalo ni Lucky. ‘Yung bago na. Pero ‘yung materyal, halos hindi ko na iniisip. Sabi ko nga, kung bibigyan ninyo ako ng pangregalo, ano lang, ayoko na nang mamahalin.

“Mas gusto ko nga lang ng pajamas, tuwalya. To buy me something expensive, huwag na. Hindi ko na kailangan. Kahit paano, meron ka naman. Naitatabi mo lang,” katwiran ni Cong. Vilma.

Ano ang reaksyon niya sa pahayag ni Luis na bibigyan niya ng magandang lahi ang girlfriend na si Jessy Mendiola?

“Alam mo naman ‘yon. Humor lang ni Luis ‘yon. But the way I see things, they’re very happy. Binigyan nga niya ng birthday surprise si Jessy, eh. Binigyan niya ng party.

“Nakikita ko, happy sila. Eh pag happy ang anak mo, happy ka na rin, di ba? And that’s why I am thanking Jessy for making my son happy. I guess kahit paano, in a way, he’s preparing for a life with a partner. But then again, kung magdedesisyon, siya pa rin ‘yan!” paliwanag ni Cong. Vilma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagdating naman sa career, wala pa siyang nakikitang script na gusto niya, “Let it be. Huwag nating pilitin. Hindi biro ang ginagawa ko. Pag-aaral din ito and until now, I am still learning,” sabi ng Star For All Seasons.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending