Bianca kay Beauty: Wala pang 40 days lumalandi ka na agad! | Bandera

Bianca kay Beauty: Wala pang 40 days lumalandi ka na agad!

|December 04,2017
facebook
share this

Bianca kay Beauty: Wala pang 40 days lumalandi ka na agad!

- December 04, 2017 - 12:35 AM

MATITINDI ang mga nakaraang eksena sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw. Last Friday, muling nagtagisan sa akting sina Beauty Gonzales at Bianca King bilang sina Tessa at Marga.

Sumugod si Marga sa burol ng nanay ni Tessa at gumawa na naman ng eksena. Tumatak sa manonood ang dialogue niya kay Tessa na, “Pumunta ko dito dahil akala ko malungkot ka. Yun pala wala pang 40 days, lumalandi ka na!”

Mas tumindi pa kasi ang selos ni Marga dahil nahuli na naman niyang magkasama sina Tessa at Caloy (Joem Bascon). Kaya sumumpa itong gagawin niya ang lahat para hindi lumigaya ang dalawa at maging miserable rin ang buhay nila.

Puring-puri rin ng netizens ang akting ni Beauty (bilang si Tessa) sa nasabing eksena na hindi na rin nakapagpigil sa panggugulo ni Marg sa buhay niya. Kaya ang ganting babala niya sa mortal na kaaway, hindi na niya hahayaan si Marga na magpatuloy pa sa pagsira sa buhay ng kanyang pamilya matapos ngang mamatay ang kanyang ina.

Lingid sa kaalaman nilang lahat, palihim silang sinusubaybayan ni Jaime (Raymond Bagatsing) na hindi rin titigil sa kanyang paghihiganti, lalo pa’t alam na niya kung ano ang tunay na namamagitan kina Tessa at Caloy.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Pusong Ligaw, abangan kung hanggang saan kakayanin ni Marga ang mga mas mabibigat na pagsubok na darating sa buhay niya ngayong sabay nang magsasabog ng kasamaan sina Marga at Jaime. At magpakatotoo na kaya sila ni Caloy sa kanilang mga nararamdaman?

Siyempre, mawawala ba ang pakilig ang love triangle nina Diego Loyzaga, Sofia Andres at Enzo Pineda? Kaila-ngan nang mamili ni Vida kung sino kina Rafa at Potpot ang talagang mahal niya. At siguradong mahihirapan siya sa kanyang pagpili.

Kailangan n’yo ring alamin kung ano ang kahihinatnan ni Leon (Albie Casino) matapos magpagamit kay Jaime. Patuloy na tutukan ang Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Showtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending