Maine naghahanda nang layasan ang showbiz, 2 taon nakinabang sa AlDub | Bandera

Maine naghahanda nang layasan ang showbiz, 2 taon nakinabang sa AlDub

Cristy Fermin |December 02,2017
facebook
share this

Maine naghahanda nang layasan ang showbiz, 2 taon nakinabang sa AlDub

Cristy Fermin - December 02, 2017 - 12:01 AM

NU’NG unang araw ng pagpapakatotoo ni Maine Mendoza sa pamamagitan ng kanyang blog ay maraming humanga sa kanya. Napakatapang ni Maine, may balls siya, hindi niya papayagang gawin siyang robot ng kanyang mga fans.

Pero sa ikalawang araw ay nakatikim na ng apdo ang Dubsmash Queen, nega na ang kanyang dating, dahil tinawag siyang walang utang na loob ng ibang miyembro ng grupo nila ni Alden Richards.

May mga nagsisisi pa nga kung bakit siya sinuportahan, kung alam lang daw nila na wala naman palang pagpapahalaga si Maine ay hindi na raw sana sila nagpaloko sa kanyang kaartehan, tinatawag ding ingrata ngayon ang dalaga.

Matapang si Maine, totoo ‘yun, pero hindi niya rin siguro inaasahan na babalikan siya nang ganito katindi ng mismong mga fans niya sa ipinakita niyang katapangan.

Maraming nagsasabi ngayon na ang ginawa ni Maine ay isang malaking senyal na ng tuluyan niyang pagtalikod sa showbiz na in-enjoy niya rin nang mahigit na dalawang taon.

Sa aminin niya at sa hindi ay nakinabang siya sa mundong pinasok niya kahit pa sinasabi niyang hindi siya masaya. Nadagdagan ng laman ang kanyang bulsa nang dahil sa loveteam nila ni Alden.

Kundi na siya masaya sa showbiz ay mas maganda na nga lang sigurong dumistansiya siya. ‘Yun naman ang batas ng buhay sa anumang larangan. Kapag hindi ka na masaya ay lumundag ka na palabas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending