Kalat na: John Lloyd namanhikan sa mga magulang ni Ellen sa Cebu | Bandera

Kalat na: John Lloyd namanhikan sa mga magulang ni Ellen sa Cebu

|November 30,2017
facebook
share this

Kalat na: John Lloyd namanhikan sa mga magulang ni Ellen sa Cebu

- November 30, 2017 - 12:01 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

NAMANHIKAN na nga ba si John Lloyd Cruz sa pamilya ng kanyang rumored live-in partner na si Ellen Adarna?

Ito ang tanong ng mga netizens kahapon nang kumalat ang isang video at ilang litrato ng dalawa kasama ang mga magulang ng sexy actress.

Sa video, mapapanood ang masayang pakikipag-bonding ni Lloydie sa parents ng kanyang girlfriend na kinilalang sina Allan at Meriam na pininiwalaang kuha sa mismong bahay nina Ellen sa Cebu. Kaya ang comments ng netizens, baka raw namanhikan na ang aktor sa magulang ng kanyang girlfriend.

Ito’y matapos ngang mapabalita na ilang linggo nang buntis si Ellen. Wala pang kumpirmasyon mula sa magkarelasyon ngunit ilang taong malapit sa dalawa na ang nagsabi na mukhang totoo ngang magiging magulang na rin sila in the near future.

Balitang nagsasama na rin daw sa isang bubong sina Ellen at John Lloyd kung saan naroon na rin diumano ang mga gamit ng kanilang baby.

Kamakailan ay kumalat din ang isang Instagram video kung saan makikitang nakahiga si Ellen sa kiddie rubber mat habang nakaupo sa tabi niya si John Lloyd at nakikipaglaro sa isang sanggol. Parang ipinararamdam nila sa kanilang fans at bashers na naghahanda na sila sa paglabas ng kanilang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending