Marian pinaligaya ang mga lolo’t lola sa Home for the Aged, humataw pa sa sayawan

By Jun Nardo November 25,2017
share this

Marian pinaligaya ang mga lolo’t lola sa Home for the Aged, humataw pa sa sayawan

By Jun Nardo November 25,2017
share this

PINALIGAYA ni Marian Rivera ang mga lolo at lola ng Luwalhati ng Maynila Home for the Aged kamakailan kasama ang ilang cast ng GMA series na Super Ma’am. Napasayaw pa ang mga elderly sa hit song ni Yan na “Sabay-Sabay Tayo” sa programang isinagawa.

Malapit sa mga senior si Yan Yan dahil lumaki siya sa kanyang lola habang nasa ibang bansa ang ina. Kaya naman pag may pagkakataon, hindi nagdadalawang-salita ang pagtango niya sa imbitasyon para sa mga lolo at lola.

Umani naman ng papuri si Yan sa mga fans niya sa ginawa niya kaya hiniling nilang madagdagan pa ang blessings niya na walang sawa sa patuloy na pagpunta sa charity events.

Samantala, naidaos nang bongga ang second birthday ng anak nila ni Dingdong (Dantes) na si Zia last Thursday. Ramdam sa picture ni Zia na naka-post sa Instagram ni Marian ang katuwaan sa kyut na kyut niyang makulay na damit at head dress, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending