Paulo, Ritz may huling pangako sa ‘Promise of Forever’

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

Paulo, Ritz may huling pangako sa ‘Promise of Forever’

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

 

PAULO AVELINO AT RITZ AZUL

ORAS at kamatayan ang magiging kalaban ng pagmamahalan nina Laurence (Paulo Avelino) at Sophia (Ritz Azul) ngayong nakatakda nang isagawa ni Marlon (Tonton Gutierrez) ang kanyang mga eksperimento sa immortal man upang mabuo ang inaasam niyang miracle drug sa huling araw ng The Promise of Forever.

Magiging matinik ang huling pagsubok ng magkasintahan dahil nadakip na nga ni Marlon si Laurence at hindi na patatakasin pa upang makuha ang huling sangkap ng miracle drug. Bilang ganti rin sa pagkamatay ng kanyang ama at anak, sisiguraduhin ni Marlon na maghihirap sa kanyang kamay ang immortal man hanggang sa huli nitong hininga.

Ibubuwis naman ni Sophia ang kanyang buhay upang makasama ang lalaking habambuhay niyang mamahalin. Makakatulong din niya si Philip (Ejay Falcon) upang mabawi si Laurence mula sa kapahamakan.

Ano nga kaya ang naghihintay na kapalaran kina Sophia at Laurence? Ito na nga ba ang katapusan ng walang hanggang nilang pagmamahalan? Huwag palampasin ang huling araw ng The Promise of Forever sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending