Ellen, John Lloyd may kasunduan: Wag munang ibandera ang tungkol sa baby? | Bandera

Ellen, John Lloyd may kasunduan: Wag munang ibandera ang tungkol sa baby?

Cristy Fermin |November 24,2017
facebook
share this

Ellen, John Lloyd may kasunduan: Wag munang ibandera ang tungkol sa baby?

Cristy Fermin - November 24, 2017 - 12:20 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

MISTERYO ang dating ngayon ni Ellen Adarna. Siya ang pinagpipistahan sa maraming umpukan dahil sa lumabas na balita na nagdadalantao siya ngayon na siyempre pa’y si John Lloyd Cruz ang itinuturong ama.

Hindi siya masyadong nagpo-post ng kung anu-anong istorya sa social media, kung kailan naman siya inaasahang mag-iingay ng publiko ay saka siya parang nanahimik, ‘yun daw kaya ang kasunduan nila ni JLC?

Nasa wastong edad na sina John Lloyd at Ellen Adarna, wala nang puwedeng humarang sa kanilang relasyon, pareho na silang nasa tamang edad para magdesisyon para sa kanilang mga sarili.

Nakakatuwa lang isipin na sa napakahabang biyahe sa pakikipagrelasyon ng magaling na aktor ay kay Ellen Adarna pala ito magpapakaseryoso. Siguro nga ay maraming katangian ang sexy star na wala ang mga nakaraang girlfriend ni Lloydie.

Tama ang obserbasyon ng isang kaibigan namin na ibang klaseng magbiro ang pag-ibig. Kung ano ang inaasahan ng mas nakararami ay hindi nagaganap dahil ang naghahari ay ang puso ng umiibig.

Kitang-kita namang sinserong nagmamahalan sina John Lloyd at Ellen Adarna. Ang tanong na lang ay kung hanggang kailan ‘yun magtatagal dahil kilala silang pareho na masawain sa pakikipagrelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending