Pauleen, Bossing, Maine todo ang suporta sa 3 Lolas | Bandera

Pauleen, Bossing, Maine todo ang suporta sa 3 Lolas

Jun Nardo |November 22,2017
facebook
share this

Pauleen, Bossing, Maine todo ang suporta sa 3 Lolas

Jun Nardo - November 22, 2017 - 12:01 AM

KINAYA na ni Pauleen Luna-Sotto ang katawan para samahan ang asawang si Vic Sotto sa premiere night ng “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” last Monday sa SM Megamall. Bantay-sarado siya ni Bossing kasama ang event security dahil bagong panganak lang si Misis Poleng.

Sumuporta rin sa movie ng tatlong Lolas – Nidora, Tidora at Tinidora – si Maine Mendoza, pati na rin sa lumabas na anak niya sa Kalyeserye na si Caprice Cayetano. Tinapos talaga ni Meng ang kabuuan ng movie at inirekomenda niya sa kanyang tweet na panoorin ito ng mga tao.

Kakaibang putahe ang handog ng tatlong Lolas na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Umaaksyon at nagdadrama pero nandoon pa rin ang kanilang sundot at words of wisdom kaya naman palakpakan ang audience.

Magagaling din ang supporting cast led by Angelika dela Cruz na kabubuwisitan mo talaga. Pero may moments siyang nakakaiyak dahil meron din siyang dinadalang bagahe sa katawan.

Patok naman sa mga kabataan ang Trops stars na sina Kenneth Medrano, Taki Saito, Miggy Tolentino at Shaira dela Cruz.

Panalo rin sina Arthur Solinap at Lovely Abella na away-bati ang drama bilang lovers. Winner ‘yung eksenang sinampal ni Lovely si Angelika, huh!

Sakto rin si Archie Adamos sa role na isang takas na kriminal. Hindi rin nagpahuli ang child stars na sina Ryzza Mae Dizon at Caprice. Palakpakan din ang mga tao sa pagdadrama nila.

Ang isa pang kaabang-abang sa movie ay ang presence ng zombies. Well staged ang kanilang pagsalakay at naalagaan silang mabuti sa paghabol nila sa mga tao.

Congratulations sa tatlong Lolas at iba pang cast at lalo na kay direk Mark Reyes na naatasang i-level up ang pagku-comedy ng mga Lola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending