Wansapanataym nina Janella at Elmo wagi sa rating | Bandera

Wansapanataym nina Janella at Elmo wagi sa rating

Reggee Bonoan - November 22, 2017 - 12:01 AM

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

NAGING mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa pagbabalik-telebisyon ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil dalawang linggo nang nangunguna sa national TV rating ang Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers.

Panalo agad ang ElNella sa unang episode noong Nob. 12 sa rating na 29.4% kumpara sa katapat nitong programang Daig Kayo ng Lola ko na nakakuha ng 19.4%.

At noong sumunod na Linggo, Nob. 19 ay muling nakamit ng ElNella ang 31.2% vs. 19.4% base sa datos ng Kantar Media.

Samantala, naging mapait kaagad ang simula ng love story ng mga karakter nina Janella at Elmo na sina Jasmin at Thor. Dahil sa pagtutol sa kanilang relasyon ng ina ng binata ay kinailangang nitong hiwalayan ang dalaga at hindi sinabi ang tunay na dahilan.

Sa kabila ng masakit nilang nakaraan, pilit na aayusin ni Jasmin ang pakikitungo niya kay Thor ngayong nagtatrabaho na siya sa kumpanyang pag-aari nito.

Magkaayos pa nga kaya sina Jasmin at Thor? Oras na nga ba para kalimutan ang kanilang nakaraan?

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapantaym Presents: Jasmin’s Flower Power ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Samantala, nalungkot naman ang supporters ng ElNella dahil hindi nakapasok sa 2017 Metro Manila Film Festival ang pelikulang “My Fairy Tail Love Story” ng magka-loveteam mula sa Regal Films at Ideafirst Company na idinirek ni Perci Intalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending