Horoscope, November 21, 2017 | Bandera

Horoscope, November 21, 2017

Madam Sophia |November 21,2017
facebook
share this

Horoscope, November 21, 2017

Madam Sophia - November 21, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Maging matulungin. Magbigay ng tulong sa mga taong grasa sa kalye o kaya’y sa mga naghihirap na kapit-bahay. Sa ganyang paraan lalong gaganda ang kapalaran mo. Sa pag-ibig, ang ipinapadama mong pagmamahal sa iyong kasuyo habang lumalamig ang panahon ay hahantong sa mainit na romansa. Mapalad ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Malaking halaga ng salapi ang darating. Panahon na upang makakabayad sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling romomansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Lilac at gold ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — May babala ng karamdaman! Ingatan ang kalusugan. Iwasang magpa-hamog at mag-puyat at ugaliin ding mag-exercise tuwing umaga. Sa pag-ibig, tuloy ang malamig na pakikipag-relasyon sa isang payat na nilalang. Mapalad ang 3, 6, 15, 39, 46, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om-Dosha.” Maroon at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag ng isipin ang pagka-lugi, muling simulan ang negosyong may kaugnayan sa butil at mga pagkain. Sa pag-ibig, limutin na ang nakaraang kasawian. Mas magiging maligaya kung magsisimulang muli na magmamahal. Mapalad ang 4, 7, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi mapahamak. Mapalad ang 5, 17, 23, 37, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang lalo ka pang pagpalain ng tadhana. Sa pag-ibig, habang minamahal ang kapwa lalo na iyong mga maliit at inaapi, lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Orange at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Ngayon pa lang ilista na kung saan dadalin ang malaking halaga na mahahawakan mula sa bonus at 13th month pay. Gawin mo yan, upang hindi kaagad mauubos ang pera. Sa pag-ibig maglaan ng salapi para sa nalalapit nyong date ng kasuyo mahusay romomansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — May isang kaibigan humahanga sa’yo! Hindi kasi nya matanggap na naunahan mo siyang umasenso! Tulungan siyang umasenso upang dobleng pagpapala ang bumalik sa iyo. Sa pag-ibig, tama na ang pagpapaganda magiging mitsa pa yan upang mahulog ka sa tukso. Mapalad ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sari-Om-Kara.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Kapag nawala ang mga kaibigan, may iisang laging naiiwan – ang mga mahal sa buhay. Sa pinansyal basta’t nilakasan mo ang iyong loob, tuloy ang tabo ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari! Sumulong ng sumulong hanggang magtagumpay. Maging agresibo sa pagta-trabaho, upang mas lalong lumaki ang income. Sa pag-ibig, dagdagan ng libog ang pakikipag-romansahan sa kasuyong batong-bato na sa iyo. Mapalad ang 2, 13, 26, 35, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ava-Om-Yara.” Black at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa ng mag-invest hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, sa isang Cancer may masarap na relasyong naghihintay. Mapalad ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina-Om”. Black at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Gawing simple ang pamumuhay, kung ano lang ang kayang bilin ng hawak na pera yon na lang ang pangaraping makamit. Sa pag-ibig mas masaya at mas mahalaga pa rin kaysa sa pera ang isang buo at masayang pamilya. Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om.” Yellow at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — May sopresang magaganap, habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong bagay. Makipag-sapalaran, may malaking suwerteng makakamit. Sa pag-ibig, pag-tsagaan ang kasuyong laging komokontra, mas mainam na yan kaysa ma-zero ang love life. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending