Lagot: Enrique ipinahamak si Liza | Bandera

Lagot: Enrique ipinahamak si Liza

Jobert Sucaldito |October 15,2017
facebook
share this

Lagot: Enrique ipinahamak si Liza

Jobert Sucaldito - October 15, 2017 - 12:01 AM


HINDI ko alam kung aware si Enrique Gil sa connotation ng binitawan nitong pronouncements about his relationship with beautiful young star Liza Soberano.

Kung marami ang natuwa sa sinabi niyang para na silang mag-asawa ni Liza at lagpas na sila sa jowa level, marami rin ang pumalag. Kasi nga, may ibang kaakibat na anggulo pag sinabi ng isang tao na parang asawa na ang turingan nila.

“No malice, pero ibig sabihin noon ay meron nang nangyayari sa kanila more than the kissing and what nots. Iyon ang ibig sabihin ng parang mag-asawa na. Alam ba ni Enrique ang pinagsasasabi niya? Huwag naman niyang ilagay sa alanganin ang idol naming si Liza.

“Kailangang baguhin niya ang statement niya dahil hindi kami naniniwalang kaya na ni Liza ang gumawa ng mga kabalbalan,” sabi ng netizen na sobrang naawa kay Liza.

Nagbibiro ba si Enrique when he said that? Hindi ko kasi narinig personally. Nabasa ko na lang yesterday ang sinabi nitong walang label ang relasyon niya kay Liza, basta sa pagkakaalam daw niya ay sila na nga, na parang mag-asawa na sila. Really? Namangha ako sa tinuran ni Enrique kasi nga ang bata-bata pa ni Liza to indulge in such an affair kung totoo man ang sinabi nito.

“Diretsahan na, pag sinabi kasing mag-asawa, may malisya na iyon. Forgive my hinala, may sex nang involved, di ba? Pag boyfriend, puwedeng pa-tweetums lang. Puwedeng mutual understanding lang na nagmamahalan. Puwedeng hanggang kiss lang pero pag sinabing mag-asawa, beyond na iyon. Totoo ba ito, Liza?” tanong ng fan.

Hay naku, kailangang magpaliwanag si Enrique tungkol sa isyung ito. Star Magic must come to Liza’s rescue here – also Liza’s manager Ogie Diaz kasi nga hindi ito fair para kay Liza. Kahit kami ay natulala sa nabasa naming item na iyon. Kailangang linawin nila ito. It might just kill Liza’s image of a sweet and unharmed girl.

Unless Enrique denies saying such. It must be his words against the writer’s. Hay naku, malaking isyu ito pag nagkataon.

q q q

Mabuti na lang at walang nasaktan sa pag-overshoot ng isang Cebu Pacific flight sa Iloilo International Airport the other night.

Dala siguro ng madulas na semento dahil sa walang tigil na pag-ulan kaya hindi nakontrol ng piloto ang pag-land sa aming bayan sa Santa Barbara, Iloilo kaya lumagpas siya sa landing strip. Napunta ang eroplano sa damuhan na na-damage ang ibabang bahagi ng plane.

Hindi ko ma-imagine kung kasama ako sa flight na iyon. Baka hinimatay na ako sa nerbiyos kasi nga, di ba? Takot ako sa flights. Kaloka. Nakita ko sa video habang isa-isang nagbabaan ang mga pasahero sa airplane.

For sure may mga kamag-anak akong sakay noon. Buti na lang at walang nasaktan sa kanila. Human error ba iyon or dala lang ng masamang panahon? Whatever!

q q q

Next week ay super-tour sina Allan K, Boobay, EJ Salamante and Ate Gay sa US – San Francisco and Los Angeles, California in particular. May series of shows silang gagawin doon.

Tawa kami nang tawa the other night sa Zirkoh Tomas Morato habang ginagawa ni Ate Gay ang video invite niya. Kasama namin ang kanyang production assistant na si Lucy a.k.a. Myra Manibog, assistant ni Allan K na si RJ Franco, Kim Idol and G Kinis habang bini-video siya.
Ang husay ni Ate Gay sa ginawa niyang video invites, ilang takes din ang ginawa ni Lucy para meron lang safety.
“First time ni EJ Salamante na mag-Amerika kaya excited siya. Mamaya siya naman ang gagawa ng video invite. Tingnan nga naitn kung matalbugan niya ako. Ha! ha! Ha!” biro ni Ate Gay.

In short, pahinga muna kami ni Allan K sa tong-its dahil out of the country siya. Sa Oct. 25 na ang balik nila.

Sad week na naman ito for me dahil nakasanayan ko nang kasama ang idol number one kong si Allan K.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ha! ha! Ha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending