Horoscope, October 13, 2017

By Madam Sophia October 13,2017
share this

Horoscope, October 13, 2017

By Madam Sophia October 13,2017
share this

Para sa may kaarawan: Simulan ang araw sa pagsisimba. Sa ganyang paraan sa buong isang linggo’y pagpapalain ka. Isang nakakikilig na regalo mula sa isang Aquarius ang matatanggap. Sa pinansiyal, tuloy ang agos ng pera papalabas, magtipid! Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva.” Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag makisawsaw sa usapan na iba, may babala na dahil sa pakikialam sa buhay ng iba ay mapapaaway ka na naman. Sa pinansyal at pag-ibig, imbes na atupagin ang pakikipagtsismisan, ang asikasuhin ay ang sariling pamilya. Mapalad ang 3, 9, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dema-Om.” Orange at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kahit walang gaanong pera, kakaibang sigla ang madarama. Darating din ang panahong uunlad at liligaya ka. Sa pag-ibig, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling romomansa. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — May kakaibang sigla na kukubabaw sa iyo, laging ituon ang isip at lakas sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay kakaibang ligaya na naman ang ipagkakaloob ng mahilig na Libra. Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Om.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Sa negosyo, ang payapang isip ang magbibigay ng dagdag na income. Mapalad ang 3, 9, 21, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” White at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Iwasan ang maling relasyon at maling nilalang sa halip mas mabuting manatiling tapat sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansyal, malaking halaga ng salapi ang biglang darating habang papalapit na ang kapaskuhan. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Gold at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi mauubos ang salapi, matutong mamigay! Sa pag-ibig, regaluhan ng bagong unit ng cell phone ang kasuyo. Sa pinansyal, habang namimigay, lalong lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Yellow at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Lubhang magiging mapalad ang araw na ito kung magsusuot ng kulay na dilaw. Sa kulay na dilaw makakatangap ka ng dagdag na salapi at masarap na romansa. Mapalad ang 1, 10, 27, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Bukod sa dilaw ang red ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Maiiwasan ang pagkakasakit kung laging kakain ng sariwang prutas at gulay. Kapag malakas ang iyong katawan, mas lalong bibilis ang pag-asenso at pagyaman. Sa pag-ibig, magpamasahe sa kasuyo upang maibsan ang pangangalay at sakit ng katawan. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Pink at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag nang maghanap ng kung ano-anong bagay, makuntento na sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa butil at sa pagkaing may kaugnayan sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 3, 12, 18, 28, 33, at 42. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Natapos na ang mga paghihirap. Pinapanood ng langit ang lahat ng nangyari at naganap sa iyo. Ito ang araw na matatanggap mo na ang gantipala ng iyong mga pagod. Maraming mga suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyon langit. At ang mga biyayang ito ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng kapaskuhan. Mapalad ang 8, 14, 16, 25, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Silver at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Tama ang naisip mong magbago ng kapaligiran. Baguhin mo na rin ang style ng iyong buhok. Sa malawakang pagbabago, higit kang liligaya at aasenso. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Balikan ang mga fairy tales na kuwento ng iyong buhay dahil ito ang magpapasigla ng iyong espiritu. Sa pagiging isip bata at inosente, makakalimutan ang problema, mas uunlad at mas magiging maligaya ang karanasan. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag laro kayo ng bahay-bahayan. Mahiwaga mong mantra: “Yasoda-Yama-Om.” Violet at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending