Sylvia tumutulong nang walang mga camera | Bandera

Sylvia tumutulong nang walang mga camera

Reggee Bonoan - October 03, 2017 - 12:01 AM

“HINDI ka busy tumanggap ng award?” Ito ang tanong namin kay Sylvia Sanchez kahapon dahil sa loob ng isang linggo ay tatlong tropeo ang in-award sa kanya.

Noong Lunes (Set. 25) ay tumanggap siya ng Best Actress trophy mula sa Pep List, nitong Huwebes (Set. 22) ay nakatanggap siya ng Outstanding Citizen of Nasipit, Agusan del Norte mula sa Nabata group na kinabibilangan ng 22 professionals na tagaroon.

Sa 22 professionals ay si Sylvia lang ang hindi nakatapos ng pag-aaral pero siya ang ginawang speaker na pinagbotohan ng grupo dahil ang katwiran nila, nakikilala at nababanggit ang Barangay Nasipit sa buong mundo na pinanggalingan nila dahil sa aktres.

Totoo naman talaga, hindi man nakapagtapos ang isang Jojo Campo-Atayde o Sylvia Sanchez ay nakilala naman siya sa buong Pilipinas at sa ibang bansa dahil sa magagandang programa at pelikulang nagawa na niya bukod pa nga sa sandamakmak na award.

Higit pa rito, pinapurihan din ng buong Nasipit ang aktres dahil isa o tatlong beses sa isang taon ay nakikita nilang umuuwi roon si Ibyang para mamigay ng tulong sa mga kababayan nilang nangangailangan – na walang bitbit na TV camera.

“Nagulat nga ako nu’ng sinasabi nila sa akin ‘yun, akala ko kasi kami-kami lang na mga kababayan ko ang nakakakita. Wala naman akong bitbit na TV camera para i-cove,” pahayag ng aktres.

Ang ikatlong award ay nitong Sabado (Set. 30) mula sa 7th EdukCircle Awards na ginanap sa UP bilang best actress mula na naman sa programang The Greatest Love.

Kaya tinutukso namin si Ibyang kung may paglalagyan pa siya ng mga tropeo niya, “Oo malaki pa, may isang kuwartong puwedeng paglagyan ng trophy!” sabi ng aktres.

Kinagabihan ay dumalo naman siya sa 25th anniversary ng Star Magic sa Makati Shangri-La kasama ang dalawang anak na sina Arjo at Ria, pati ang asawang si Art Atayde.

Kinabukasan naman, Linggo ay lumipad ang aktres patungong Vigan, Ilocos Sur para sa Ilocos BeauteDerm caravan bilang celebrity endorser ng beauty products ni Rei Ramos Anicoche-Tan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, natapos na ni Ibyang ang indie movie niyang “Nay” mula sa Cinema One Originals na mapapanood na sa Nobyembre at malapit na ring matapos ang “Mama’s Girl” mula sa Regal Entertainment na ngayong Nobyembre na rin ang showing.

Ang taray, dalawang pelikula ni Ibyang ang ipalalabas sa November, “Oo nga, eh. Blessing ‘yan kaya nagpapasalamat ako,” saad ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending