Neil Arce kay Angel: Siya na ang gusto kong makasama sa buhay! | Bandera

Neil Arce kay Angel: Siya na ang gusto kong makasama sa buhay!

Reggee Bonoan |October 03,2017
facebook
share this

Neil Arce kay Angel: Siya na ang gusto kong makasama sa buhay!

Reggee Bonoan - October 03, 2017 - 12:01 AM

ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE

NASABI ni Angel Locsin sa solo presscon niya para sa kanyang pagbabalik sa La Luna Sangre bilang Jacintha Magsaysay na hindi pa niya matatawag na boyfriend si Neil Arce, ang isa sa producer ng “Last Night” (N2 Productions).

Pero inamin ng aktres na ramdam niyang mahal na niya si Neil at sa katunayan ay nagsasabihan sila ng “I love you.”

Kaya naman sa nakaraang presscon ng pelikulang “Last Night” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ay talagang kinulit namin nang husto si Niel pero para siyang palos na panay ang iwas.

Ngunit sinuwerte pa rin kami dahil nakasalubong namin siya sa hallway ng ABS-CBN Building, iiwas sana ulit ang producer pero hinarang na namin nina katotong Leo Bukas at Marinel Cruz.

“Pakiusap ko lang, ‘wag n’yo muna isulat ito ha, next week na kasi sasabay pa sa promo (Last Night),” hirit ni Neil. At tulad ng pangako namin, ngayong Oktubre na namin ito isusulat.

Sabi ng batang producer, “Committed ako sa kanya (Angel), gusto ko kasi grand gesture.”

Anong klaseng grand gesture ba ang ibig niyang sabihin, e, tatanungin lang naman niya si Angel kung gusto nitong maging sila na. Hirit ni Neil, “Nag-e-edit kasi kami. Pelikula first kasi, baka kasi ‘yan ang headline ninyo.

“She deserves that (grand gesture) gusto ko talaga (tanungin si Angel). I have pure intention, I am looking forward to spend my life with her,” sabi niya.

Dagdag pa ng binata, “Grand gesture, kasi maganda ‘yung moment. Hindi pang promo lang, hindi pang-interview lang. At saka kung mangyayari ‘yun, sa amin na lang ‘yun.”

Sundot na tanong namin kung dito ba sa Pilipinas niya tatanungin si Angel o sa ibang bansa, “Ay hindi ko alam! Bye-bye na nga,” sabay alis at hindi na lumingon pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending