Heart ayaw mag-guest sa Sunday show ni Marian; may pakiusap sa Team DongYan | Bandera

Heart ayaw mag-guest sa Sunday show ni Marian; may pakiusap sa Team DongYan

Alex Brosas |September 28,2017
facebook
share this

Heart ayaw mag-guest sa Sunday show ni Marian; may pakiusap sa Team DongYan

Alex Brosas - September 28, 2017 - 12:05 AM

MARIAN RIVERA AT HEART EVANGELISTA

TALAGA palang iniwasan ni Heart Evangelista na mag-promote sa Sunday show ng GMA 7 para sa latest soap niya with a Korean actor.

Aware kasi si Heart na territory ni Marian Something ang papasukin niya kaya para ma-avoid na ma-boo siya dahil kilalang bastos ang fans ni Marianita ay hindi na lang siya nag-promote doon.

“Stop badgering me,” say ni Heart sa mga fans ni Marian na palagi siyang bina-bash.

Ang feeling kasi ng ilang avid fans ni Marian ay nagagamit palagi ang idol nila kapag may interview si Heart.

If that’s the case, bakit hindi pagsabihan ng fans ni Marian ang mga reporter na nagtatanong about Heart?

Saka, bakit naman gagamitin ni Heart si Marian, eh, palaos na naman ang dyowa ni Dingdong Dantes.

q q q

Papunta na sa pagiging magsyota ang dating nina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Marami ang nakapansin sa dalawang stars ng The Good Son na they’re inseparable. At palaging sweet ang dalawa. Sa presscon nga ng soap opera nila ay magka-holding hands sila nang makunan ng picture while inside Dolphy Theater.

Bagay na bagay ang dalawa at sa isang event nga ng Mega ay talagang tinilian at hiniyawan ang dalawa when they came. Sexy ng outfit ni Elisse na shining, shimmering, splendid ang dating.

Sa nasabing event nga ay tinanong na ni McCoy kay Elisse kung puwede ba niyang maging date ang ka-love team sa Star Magic Ball.

“Would you be my date at the Star Magic Ball?” ang nakasulat sa big screen.

Of course, pumayag si Elisse at talagang doon na nagsigawan ang mga tao sa matinding kilig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isang photo sa Facebook na kumalat na nagdi-dinner ang dalawa after ng kanilang mall tour to promote The Good Son kaya naman kilig na kilig ang McLisse fans. Ang feeling nila parang magdyowa na ang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending