Sigaw ng madlang pipol: Si John Lloyd din ang pumapatay sa kanyang career! | Bandera

Sigaw ng madlang pipol: Si John Lloyd din ang pumapatay sa kanyang career!

Jobert Sucaldito |September 22,2017
facebook
share this

Sigaw ng madlang pipol: Si John Lloyd din ang pumapatay sa kanyang career!

Jobert Sucaldito - September 22, 2017 - 12:10 AM

JOHN LLOYD CRUZ

SIGURO nga ay pagod na si John Lloyd Cruz sa showbiz kaya minsan ay nasabi niyang parang ayaw na niya. Ganyan naman ang mga artists eh, lalo na ‘yung malalalim na aktor – after so much hard work ay gusto nang mag-iba ng linya.

Or maybe, mag-hiatus muna for a while and when recharged ay puwedeng bumalik. But more often than not, pag bumalik man sila, they become very choosy with roles at hindi na tumatanggap ng overload.

Kungsabagay, kung sakaling mag-decide si Lloydie na mamahinga na sa showbiz, he has already proven his worth as an actor – wala na siyang masyado pang patutunayan because mahusay talaga siya. And mind you, he has saved enough money to last him a lifetime, I suppose. Meron na siyang paupahang rows of apartment at sa dami ng endorsements niya, for sure ay marami na talaga siyang ipong pera.

Kaya keber lang sa kanya kung mabwisit man ang fans sa pagpapabaya sa kanyang karera ngayon.

Di ba’t recently ay nasuong siya sa napakalaking kontrobersiya sa piling ng kanyang rumored girlfriend na si Ellen Adarna – that video uploaded by one of Ellen’s friends? That put Lloydie in a bad light pero medyo naibsan ito nang manghingi siya ng paumanhin for that bad pose. Mabilis namang nanahimik ang kanyang bashers dahil siguro, napatawad naman nila ang aktor.

Pero recently ay lalong nagalit ang netizens dahil daw sa pagiging disrespectful ni Lloydie when he went to the confession room ng isang church with his shades on. Sila lang naman daw ng paring pinagkumpisalan ang magkasama nu’ng mga oras na iyon pero di raw nito tinanggal ang kanyang shades. Pati ba naman iyon ay big deal sa fans?

Malay n’yo naman baka mugto pa ang mata ni Lloydie, puwede ring masakit ang eyes niya. I don’t think he should be condemned with those shades. Kaloka talaga ang mga fans!

Ang iba naman ay nairita na naman kay Lloydie dahil daw sa ayaw pa ring tumigil sa kasusunod kay Ellen. Di pa raw nagtagal ang kontrobersiya at hayun, sinundan uli ang sexy star sa Cebu para sa isang painting session cum party.

“Walang kadala-dala si John Lloyd. Siya na ang pumapatay ng career niya. Nakakaloka rin ang ABS-CBN dahil instead na kastiguhin nila si Ellen dahil sinira ang reputasyon ng moneymaker nilang si John Lloyd ay binigyan pa ng malaking break sa Star Cinema, leading lady na siya ni Empoy in a film.

Gamit na gamit siya ni Ellen na siyang nakinabang sa lahat ng isyung ito,” sey ng isang fan.

“Hoy, bakit si Ellen ang sisisihin mo? Matanda na si John Lloyd para di malaman ang pinaggagawa niya, ‘no! Bakit, si Ellen ba ang nag-upload ng video na iyon? Si Ellen ba ang nagturo sa kanyang mag-pose na dirty finger? Tumigil kayo!” depensa naman ng isang maka-Ellen.

For whatever it’s worth, let’s just wait and see na lang kung magpapatuloy pa rin si John Lloyd sa kanyang propesyon. Pero huwag ka, hindi pa man nagpapahinga si Lloydie ay meron nang nakaabang sa kaniyang upuan. Sino?

Tumabi ka nang konti Lloydie and this young Joshua Garcia is hungry for your seat! Yes, this young actor is starting to soar high sa showbiz. Maraming members ng entertainment press ang nabaliw sa galing ni Joshua sa bagong teleserye ng ABS-CBN na The Good Son where he plays one of the leads along with Jerome Ponce, Nash Aguas and Mccoy de Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Napamura talaga ako sa galing ni Joshua. Punyet***ng bata, napakagaling talaga. Hindi lang ako, halos lahat ng press na nakapanood sa first three episodes ng The Good Son ay sumaludo kay Joshua. Kaya puwede na ngang magpahinga si John Lloyd, may papalit na sa trono niya. Joshua is a gold mine,” ani RK Villacorta na nawala ang pagkamaldita kay Joshua.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending