Kalat na: Sue Ramirez baliw na baliw daw sa member ng BoybandPH | Bandera

Kalat na: Sue Ramirez baliw na baliw daw sa member ng BoybandPH

Ervin Santiago |September 18,2017
facebook
share this

Kalat na: Sue Ramirez baliw na baliw daw sa member ng BoybandPH

Ervin Santiago - September 18, 2017 - 12:01 AM

ANO kaya ang magiging epek ng latest horror-suspense movie ng Regal Films na “The Debutantes” sa mga kabataang nanga-ngarap makaroon ng bonggang-bonggang 18th birthday celebration?

Siguradong napanood n’yo na rin ang trailer ng pelikula kung saan bibida nga ang limang promising youngstars ngayon sa local showbiz – sina Miles Ocampo, Chanel Morales Sue Ramirez, Jane de Leon at Michelle Vito. I-pinakita rito kung paano naging madugo at marahas at bayolente ang selebrasyon ng isang debut.

In fairness, matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapanood ng local teen horror flick kaya tiyak na pipilahan ito ng mga kabataang mahilig sa katatakutan, lalo na ‘yung mga magbabarkada na gustung-gustong magtilian sa loob ng sinehan.

Ang singer-actress at La Luna Sangre star na si Sue Ramirez ang pinakabida sa “The Debutantes.” Sa poster at trailer pa lang kasi ay ang karakter na ni Sue bilang si Kate ang binigyan ng prominence.

Pero ayon sa dalaga, lahat sila ay may highlight sa movie na magmamarka sa manonood, “Malaking break ito hindi lang sa akin, kundi sa amin and to be working with director Prime Cruz. First full length movie ko, kaya sobrang honored ako.

“Dito, na-experience ko ang umiyak for seven hours na tuluy-tuloy, walang putol. Matatakot ang magde-debut sa The Debutantes,” ayon pa kay Sue.

Showing na ito sa sa Oct. 4 at abangan daw ng mga tagasuporta nina Miles, Chanel, Sue, Jane at Michelle ang gagawing gimik nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo ng Regal Films sa gaganaping premiere night ng pelikula.

Speaking of Sue, totoo ba na baliw na baliw daw siya ngayon sa BoybandPH member na si Joao Constancia? “Grabe naman! Hindi naman po nabaliw sa pag-ibig, ang OA naman nu’ng nababaliw. Basta huwag muna, ang daming project, e. Pero happy ako. Basta, yun ang masasabi ko sa nga-yon… hindi po siya pinakamalaking concern sa ngayon.”

Pag-amin pa ng dalaga, “Opo, we’re seeing each other, lumalabas po kami. Pero no pressure, kalma lang, alam naman namin yung priorities namin pareho. Sa ngayon, masaya kaming lumalabas. Mabait siya, caring, very pursigido siya sa mga ginagawa niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending