‘Tito Sen hindi ka taong grasa…senador ka! Mas ok pa si Vilma!’
TALAGANG hindi pa rin ako maka-move on sa ginagawang pagsipsip nina Kat de Castro, Robin Padilla at Sen. Tito Sotto.
Talagang umeeksena sila ngayon para mailihis ang tunay na senaryo sa ating bansa, lalo na sa naganap na Senate hearing kung saan nagpakita nga sa buong mundo si Vice Mayor Paolo Duterte para magsalita tungkol sa mga akusasyon sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes. Hinamon kasi ni Trillanes si Paolo na ipakita ang kanyang dragon tattoo sa likod dahil ito raw ang magpapatunay na may konek daw ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Chinese Triad.
Mas lalo pang uminit ang ulo ko at ng napakarami pa nating mga kababayan nang magsalita si Tito Sen regarding the P1,000 budget para sa Commission on Human Rights, kontra raw kasi nang kontra ang CHR kay PDutz kaya iyon ang napala nila.
The nerve, di ba? Senador ka Tito Sen, hindi ka taong-grasa. Hindi ka taong-kalye para hayaang malagay sa kapahamakan ang mga mahihirap mong mga kababayan na left and right na pinapatay sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
Ito ang ahensiya na nag-aalaga at nakikipaglaban sa buhay ng mga taong bumoto sa iyo na pinapatay ng mga alagad ng batas na binigyan ng pangulo natin ng basbas on his campaign against drugs.
Hindi ka ba naaawa sa mga pobreng binibiktima ng kapulisan? Sabihin man nating hindi lahat ay isinisisi ang mga nangyayaring patayan ngayon sa mga pulis pero sana naman maisip mo ring dapat ay bigyan ng patas at fair na budget ang CHR dahil kasama ang mga anak at apo mo sa pinangangalagaan nila.
Tapos ang sasabihin mo kontra nang kontra kasi ang ahensya kay Digong? Wait lang, you mean kahit mali ang pinaggagagawa ng pangulo at mali ang kanyang panuntunan ay kailangang sundin lamang para walang isyu? Mali naman yata ito Sen. Sotto? Kung tama si Pangulong Duterte, okay sa amin. Pero pag mali, doon lang naman kami pumapalag.
Bulag ka na ba, bingi ka na ba? Dahil lang ba sa pulitika kaya ka nagkakaganyan? Nakakadismaya ka, Sen. Sotto. This is not the Tito Sotto na nakilala namin at minahal.
If only for this, we truly admire Cong. Vilma Santos’ stand – na hindi tama ang ginagawa nilang panggigipit sa CHR. Dapat bigyan ng sapat na pondo ang ahensyang ito para meron silang enough resources to protect human rights. That’s truly admirable of the congresswoman from Batangas. Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral si Vilma ay nagamit naman niya ang wastong pag-iisip na galing sa puso.
As we read our Facebook page, nakikita namin ang pagpapalitan ng kuro-kuro at opinyon ng mga netizens. Naloloka kami sa mga trolls at fanatics ni PDutz, ang argument nila palagi ay mas marami raw ang namatay nu’ng panahon nina Tita Cory Aquino and Noynoy Aquino kumpara ngayon. Mas marami raw ang namatay noon kaysa mga alleged EJKs ngayon.
Maliban sa mga hunghang yata ang mga ito, talagang mahihina ang kukote, di ba? Ano ba ang tingin nila sa buhay natin? Paramihan ba ito ng napapatay? Iba noon, iba ngayon. Kung merong EJK noon, dapat natuto na tayo at hindi na ito nauulit ngayon. Kaso, mas lumala, hundredfolds pa. Kaloka ang mga netizens na ito, hindi nag-iisip. Lalo na ang mga taga-showbiz na sipsip – nakakadiri kayo.
Alam n’yo kung sinu-sino kayo. Okay lang kung nasa tama ang pinu-push ni Pres. Duterte pero pag mali, teka naman. Tulungan niyo naman siyang itama. Huwag niyo naman siyang lalong ipahamak. One day, mari-realize niyo na lang iyan kung napatay na ang pinakamamahal ninyong kaanak. Itaga niyo iyan sa bato. Pagsisisihan niyo iyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.