Maymay nasasaktan pag bina-bash si Kisses: Ipaglalaban namin ang totoo! | Bandera

Maymay nasasaktan pag bina-bash si Kisses: Ipaglalaban namin ang totoo!

Ervin Santiago |September 10,2017
facebook
share this

Maymay nasasaktan pag bina-bash si Kisses: Ipaglalaban namin ang totoo!

Ervin Santiago - September 10, 2017 - 12:05 AM

MARCO GALLO, KISSES DELAVIN, MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

NASASAKTAN si PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata kapag bina-bash ng ilang MayWard fans ang kaibigan niyang si Kisses Delavin.

“Ano po, para sa akin po, una nasasaktan ako kasi kaibigan ko po ‘yun, eh. Pero kasi naniniwala kami kung ano ‘yung totoo, ‘yun ang ipaglalaban namin at hindi na namin kailangan pa ipakita sa mundo at sabihin sa mundo na hello we’re best friends, hindi ganu’n eh,” ang pahayag ni Maymay sa isang panayam.

Ayon pa kay Maymay, ipaglalaban nila ni Kisses ang kanilang pagkakaibigan kahit na anong mangyari. Ayaw na rin nilang patulan ang mga kanegahan ng ilang netizens.

“Parang hindi na kailangan ng ganu’n para sabihin sa kanila kasi kahit anong gawin mo hindi mo naman talaga maple-please ‘yung mga tao. Kahit anong gawin mo may magba-bash at magba-bash sa’yo so mas mabuti pang hindi mo sila papatulan at mas pinapahalagahan ko na lang po kung anong meron sa amin, kung ano ‘yung nabuo sa aming dalawa sa PBB,” paliwanag ng dalaga.

Nalulungkot naman si Kisses na pilit silang pinag-aaway ng ilang fans. Sana raw ay huwag nang pairalin ng ilang tao ang mga pangit na bagay.

“Sadly talagang hindi sila ma-peace pero masasabi ko na lang na I’m calling out all the people na sumusuporta sa akin, if you see someone saying bad things about me, please just understand and don’t fight them.

“Please don’t say anything bad about my friend kasi masakit sa akin na inaatake ang mga friends ko kasi part na kami ng buhay ng isa’t isa and the fact na hindi naman pwede namin silang pagalitan, hindi naman naming pwedeng gawin ‘yun so now magtulungan na lang po ‘yung mga supporters. It‘s always better to spread love kasi if we fight with each other, we’re going to pull each other down,” sey pa ni Kisses.

Sana’y magsanib-pwersa na lang ang fans nina Maymay at Kisses, pati na rin ang mga tagasuporta ng kanilang mga ka-loveteam na sina Edward Barber at Marco Gallo para maging blockbuster ang kanilang launching movie na “Loving In Tandem” na showing na ngayong Sept. 13 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending