Quantcast

Mahilig ang Nobyo (2)

By

Sulat mula kay Jheng ng Makinabang, Baliuag,
Bulacan
Problema:
1. Hindi pa kami masyadong close ng boyfriend ko sa halip kabago-bago pa lang namin ay ginawan na niya ako ng kahalayan. Kaya nagalit ako sa kanya at nakipag-break. Pero sa ngayon humihingi siya ng tawad sa ginawa niya at sabi ay patawarin ko na siya at hindi niya raw uulitin. At nagmamaka-awa nga po siyang batiin ko na siya dahil nagawa nya lang daw iyon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Sa ngayon, parang gusto ko na uli siyang batiin kasi nararamdaman kong sincere naman ang paghingi niya ng paumanhin.
2. Ano po ba ang dapat kong gawin? Dapat ko na ba siyang patawarin at talaga kayang hindi na niya uulitin yong ginawa niya sa akin? Compatible po ba kami at kami na po ba ang magkakatuuyan? March 7, 1994 ang birthday ko at October 29, 1992 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Jheng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 1.) at Scorpio naman ang boyfriend mo ay nagsasabing sadyang tugma at compatible naman kayo dahil ang Pisces at Scorpio ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig. Ibig sabihin, ngayong panahon ng tag-ulan, tuluyan na uli kayong magkakasundo at magiging maligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 7 at 29 naman ang boyfriend mo ay kapwa nagtataglay ng planetang Moon at Neptune. Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Astrology compatible kundi maging sa Numerology. Nangangahulugang kung muli kayong magkakasundo, tulad ng nasabi na, isang mainit at maligayang relasyon ang patuloy na mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang lalo pang uminit ang pagmamahalan gumamit lagi ng kulay na pula at berde. Ang nasabing kulay ang magseselyo ng isang maligaya at pang habang buhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Jheng, ayon sa iyong kapalaran, kung sadyang matindi ang paghingi ng sorry ng iyong boyfriend, mas makabubuting patawarin mo na siya. Dahil ayon sa inyong kapalaran, sa bandang huli, tiyak ang magaganap, kayo ang magkakatuluyan at bubuo ng isang maligaya at pang habambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2019 sa edad mong 25 pataas at 27 naman ang boyfriend mo.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement