Diego-Sofia-Enzo love triangle patok sa madlang pipol

August 14,2017
share this

Diego-Sofia-Enzo love triangle patok sa madlang pipol

August 14,2017
share this

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

ASAHAN ang mas marami pang “bakbakan” sa pagitan nina Bianca King at Beauty Gonzales sa pinag-uusapan pa ring afternoon serye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw after It’s Showtime.

Ngayong buo na ang plano ni Marga (Bianca) na agawin ang fashion business ni Tessa (Beauty) sa tulong ni Jaime (Raymond Bagatsing), siguradong mas maiinit na eksena ang magaganap sa pagitan ng dating mag-best friend. Paano naman matutulungan ni Caloy (Joem Bascon) si Tessa para hindi magtagumpay ang kanyang asawa sa plano nitong paghihiganti?

This week, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Pusong Ligaw, gagawin ni Marga ang lahat para mailayo ang kanyang anak na si Vida (Sofia Andres) pati na rin si Caloy kay Tessa. Magsasanib-pwersa sila ni Jaime para maisakatuparan ang kanyang kasamaan.

Tuloy pa rin ang kilig overload na kilig dala ng love triangle nina Vida, Potpot (Diego Loyzaga) at Rafa (Enzo Pineda). In fairness, dumarami rin ang supporters ng tambalang Enzo at Sofia dahil hindi ibinebenta ang aktor bilang kontrabida sa kuwento. Sa katunayan, puring-puri ng manonood at ng mga netizens ang dating Kapuso actor dahil napakalaki na ng improvement sa akting nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending