Iñigo, Maris bagong loveteam na magpapakilig sa MMK | Bandera

Iñigo, Maris bagong loveteam na magpapakilig sa MMK

Ervin Santiago |August 04,2017
facebook
share this

Iñigo, Maris bagong loveteam na magpapakilig sa MMK

Ervin Santiago - August 04, 2017 - 12:15 AM

IÑIGO PASCUAL AT MARIS RACAL

PAKIKILIGIN ng tambalang Iñigo Pascual at Maris Racal ang madlang pipol sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Gagampanan nina Iñigo at Maris ang mga karakter nina Allan at Lou Ann na nagsimula ang love story noong sila’y high school pa lang. Talagang pinu-push ng kanilang mga kaibigan, kaklase, maging ng kanilang mga guro ang kanilang loveteam.

Sa kabila ng kanilang pikunan at tampuhan, na-develop pa rin ang kanilang feelings para sa isa’t isa. Tumagal ang relasyon ng dalawa hanggang sa college na talagang kinainggitan ng kanilang mga kaibigan at kaklase. Hashtag #relationshipgoals talaga ang peg ng kanilang pagmamahalan.

Ngunit magbabago ang lahat nang magdesisyon si Allan na magtrabaho sa Dubai at naiwang mag-isa sa Pilipinas si Lou Ann. Matagalan kaya nila ang long distance relationship? Sino ang unang bibigay?

Paano nila mapaglalabanan ang matinding kalungkutan matapos magkalayo?

Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Arlene Muhlach, Heaven Peralejo, Vivoree Esclito, Andre Yllana, Amy Nobleza, Jairus Aquino, Kokoy de Santos, Nikki Bagaporo, Rochelle Barrameda, Bea Basa at Noel Comia, sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, at sa panulat ni Mark Angos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending