Nanay ni Nadine Lustre tagumpay sa paglaban sa cancer | Bandera

Nanay ni Nadine Lustre tagumpay sa paglaban sa cancer

Ervin Santiago |July 30,2017
facebook
share this

Nanay ni Nadine Lustre tagumpay sa paglaban sa cancer

Ervin Santiago - July 30, 2017 - 12:10 AM

NADINE LUSTRE

SIGURADONG nakahinga na ng maluwag ngayon si Nadine Lustre matapos matanggap ang good news mula sa kanyang ina.

Balita kasing cancer free na si Mrs. Myraquel Paguia matapos sumailalim sa iba’t ibang proseso ng gamutan. Dalawang taon ding nakipaglaban ang mommy ni Nadine sa sakit na lymphoma (cancer sa immune system).

Nitong nagdaang weekend, nag-post sa kanyang Instagram account si Mrs. Myraquel at dito nga niya idinaan ang kanyang magandang mensahe. Aniya, “I beat cancer! What’s your superpower?”

Walang masyadong nakakaalam sa kundisyon ng nanay ni Nadine dahil hindi naman siya masyadong nagsasalita tungkol dito.

Ngunit noong 2016, nag-alala ang kanyang mga tagasuporta nang mag-post ang dalaga sa kanyang social media account na dumaraan siya sa isang “stressful phase” ng kanyang personal na buhay matapos maospital ang kanyang mommy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending