Marc Abaya kay Alessandra: I love her, napakaimportante niya po sa buhay ko! | Bandera

Marc Abaya kay Alessandra: I love her, napakaimportante niya po sa buhay ko!

Reggee Bonoan |July 22,2017
facebook
share this

Marc Abaya kay Alessandra: I love her, napakaimportante niya po sa buhay ko!

Reggee Bonoan - July 22, 2017 - 12:10 AM


SA nakaraang “Kita Kita” celebrity screening ay dumalo ang napapabalitang kasintahan ni Alessandra de Rossi na si Marc Abaya.

Napansin naming nakabantay ang aktres habang kinakausap ng entertainment media ang binata kaya sumimple kami ng tanong sa dalaga, “Kayo ba?”

“Ayoko siyang pag-usapan,” ang mabilis na tugon sa amin ng dalaga sabay tawa.

Hirit namin ulit, “Ano nga kayo? Bakit nakabantay ka?” Pero hindi na kami sinagot ng aktres at parang pusang hindi mapakali na kung saan-saan lumilingon at pumupunta.

Hanggang sa nilingon namin si Marc at nakita naming nakatingin din siya kay Alessandra at parang nag-uusap sila sa kanilang mga mata base sa reaksyon ng musikerong aktor.

Tinanong namin si Marc kung ano na ang estado ng relasyon nila ngayon ni Alessandra, “Very good friends, very close!” sagot ng binata.

May mutual understanding na ba kayo? “I’ll just say, we keep that between us, anyways, (natigilan si Marc dahil nakatitig na sa kanya si Alessandra), hayan, kung puwede na raw siyang maunang (umalis).

“Siya ang Dunya ng buhay, si Dunya, see (sinesenyasan na siya ng aktres na umalis), so if you want to see our friendship, sometimes we post in Instagram things…what it is,” pag-amin ni Marc.

Ilang taon na ba silang magkaibigan ng lead star ng “Kita Kita”? “We’ve been friends since 2008 ABS-CBN, we were together with Cristine Reyes in a soap drama, from then I transferred to channel 7 nando’n po siya Ang Dalawang Mrs. Real (2014).

“And then we made music video, she asked me to be part of the song, I sang for Swept Away ini-release niya last year, gumawa kami ng music video so I looked at her as a mentor. Again, napakahusay na artista, napakahusay na musikero, ang dami kong natutunan sa kanya,” ani Marc.

Habang sinu-shoot nila ang MTV ng “Swept Away” ay may na-develop ba sa kanila? “May kuneksyon, got connection na napaka-rare. Iba-iba tayo, I mean sa mundo and I love her, I mean who she is very much, she’s very important to me,” say ng singer-actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kailan naman nila isasapubliko ang relasyon nila? “Wala pong aamin dahil pinapaalis na po ako (ang sama na ng tingin ni Alex kay Marc) ni Dunya, pasensiya na po.” Akmang aalis na ang binata nang habulin at tanungin namin kung ano ang term of endearment nila ni Alex, “Tawag ko sa kanya Dunya, ako naman si Pussycat.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending