Quantcast

Gilas talo na naman; pinayuko ng Lithuania

By

NALASAP ng Gilas Pilipinas ang ikatlong pagkatalo sa 39th Jones Cup kasunod nang 91-80 pagyuko sa Lithuania Biyernes sa Taipei Peace International Basketball Hall sa Taipei, Taiwan.

Nalaglag sa 4-3 kartada ang pambansang koponan habang umangat sa 6-1 ang Lithuania.
Sa kabiguang ito, lumabo rin ang pag-asa ng Pilipinas na makasungkit kahit tansong medalya sa kumpetisyon.
Nanguna para sa Gilas si import Mike Myers at Kiefer Ravea na may tig-14 puntos habang kapwa nagtala ng 13 puntos sina Matthew Wright at Roger Pogoy at si Carl Bryan Cruz ay tumipa ng 10 puntos.
Kinuha ng Gilas ang 22-17 abante sa pagtatapos ng unang yugto ngunit agad na bumawi ang Lithuania sa ikalawang quarter para tapusin ang first half bitbit ang 50-41 kalamangan.
Sa second half ay pilit lumaban ang Gilas subalit naipagpag ng mas matatangkad na Lithuanians ang bawat tangkang paglapit ng mga Pinoy para kontrolin ang laro hanggang sa dulo.
Bukas makakaharap ng Gilas ang India bago tapusin ang nine-day tournament sa Linggo kontra Iran.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement