Erich natakot nang makipagkita kay ‘billboard guy’

By Ervin Santiago July 18,2017
share this

Erich natakot nang makipagkita kay ‘billboard guy’

By Ervin Santiago July 18,2017
share this

ERICH GONZALES

WALA nang balak pang makipag-coffee date si Erich Gonzales sa negosyanteng si Xian Gaza na nagpaandar ng kanyang emote sa paglalagay ng billboard sa Morayta, Manila.

Sa isang panayam, sinabi ng Kapamilya actress ang kanyang dahilan kung bakit ayaw na niya.

“To be honest, regarding that issue, noong una, just like you guys, na-surprise ako. Natuwa naman ako sa effort. As things unfolded, lumabas ‘yung mga expose about him, ako naman kasi personally, lahat naman ng supporters ko naa-appreciate ko lahat ng ginagawa nila, malaking bagay o maliit man ‘yan,” esplika ng dalaga.

Pag-amin pa ng ex-girlfriend ni Daniel Matsunaga, “Parang naging uncomfortable ako. After talking to my family and my closest friends, I decided not to meet him na lang.”

Aniya pa, simpleng babae lang daw siya at hindi na kailangan pang magpakabit ng billboard para yayain siya sa isang date.

Sa tanong kung handa na ba siyang magka-boyfriend uli, “May mga nagpaparamdam po pero wala muna.

Ten years pa. Let’s just focus muna sa sarili, sa mga bagay na importante, sa pamilya. Right now, madami pong dahilan para maging masaya at maging grateful.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending